in

Pagtatanggal ng pondong nakalaan para sa health assistance ng mga dayuhang hindi nakatala sa SSN, isinusulong ng gobyerno

Kasalukuyang isinusulong ang isang susog na naglalayong tanggalin sa legge di bilancio ang pondo sa health assistance ng mga dayuhang hindi nakatala sa SSN o Servizio Sanitario Nazionale.

Ayon sa susog, simula sa susunod na taon, ang pondong esklusibong nakalaan sa mga dayuhan ay maaaring malayang gamitin sa ibang layunin.

Sinu-sino ang mga dayuhang nakatala sa SSN?

Nagkakahalaga ng 30.99 M ang budget para sa health assistance ng mga dayuhang hindi nakatala sa National Health Services na simula sa susunod na taon ay may pahintulot na gamitin kahit hindi saklaw ng health assistance ng bansa, ayon sa susog.

Ang nasabing pondo, ayon pa sa susosg, ay hahatiin umano sa mga Rehiyon na maaaring gamitin ito ng malaya batay sa kani-kanilang kriteryo at modalidad kahit hindi para sa orihinal na layunin nito.

Ang parehong susog ay nagbibigay laya ring gamitin ang pondong nakalaan sa scholarships para sa General Medicine (38,735 M) para sa reclassification ng health assistance at mga free lancers (41,317 M).

Gayunpaman, ang pagsusuri at pag-aaral sa nasabing susog ay inaasahang magtatapos sa komisyon ngayong linggo.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

1 sa bawat 2 colf, hinihingi ang anticipo tfr taun-taon

Dalawang dayuhan, binigyan ng expulsion decree matapos magbakasyon sa sariling bansa