in

Pagtatanggal sa mga walang trabaho at mga refugees sa intership o stage, hindi dapat!

“Ang job posting (borse lavoro) ay isang pagkakataong ibinibigay sa mga mamamayan upang sa kahirapan”

altMilan – Isang diskriminasyon ang ginawa ng pamahalaan sa bagong probisyon  na tanggalin ang mga dayuhang walang trabaho sa mahabang panahon at may mga refugee status  na  mapabilang sa mga pagsasanay (internship o stage).

Ito ang mga pangungusap ni Pierfrancesco Majorino, Assessor para sa Social affairs ng munisipalidad ng Milan, “ang mga job posting ay isang instrumento para sa Lunsod ng Milan, tulad ng iba pang mga lungsod, upang magkaroon ng pagkakataon makaahon sa kahirapan at marginalization. “

“Sa ganitong paraan – pagtatapos pa nito- ang pamahalaan ay pinahina ang posibilidad ng mga lokal na ahensya upang suportahan ang mga itinuturing na mahihina sa lipunan, upang labanan ang di-regular na trabaho at ibilang sa lipunan ang mga imigrante.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PANGUNAHING TEMA NG MEDIA: SICUREZZA

Back-to-school – Gelmini “Integrasyon sa bawat klase”