Maaaring tanggalin sa trabaho ang colf kahit berbal lamang at hindi ito nangangailangan ng anumang nakasulat na komunikasyon. Ito ay ayon sa ordinansa ng Court of Cassation 23766 2018.
Inilathala kamakailn ng Associazione Sindacale Nazionale dei datori di lavoro domestico o Assindacolf ang ukol sa ordinansa 23766 ng Corte di Cassazione Civile – Sezione Lavoro.
Ayon sa mga hukom, ang pagtatanggal sa trabaho sa isang colf ay hindi nangangailangan ng anumang written communication at sapat na ang verbal communication. At sa kaso ng pagtatapos ng hiring, sa katunyan ay hindi obligasyon ng employer ang magbigay ng abiso sa pamamagitan ng isang nakasulat na komunikasyon. Sa katunayan, ito ay nasasaad sa artikulo 39, talata 9 ng national collective contract on domestic job, kung saan nililinaw na ang written communication ay kailangan lamang ibigay sa kasong humihingi nito ang worker.
Gayunpaman ay nagbigay ng opinyon ang asosasyon ukol sa naging hatol sa pamamagitan ng isang suhestyon, na upang maiwasan umano ang hindi pagkakaunawaan, ay mainam na ipaalam sa worker ang pagtatapos ng hiring sa pamamagitan ng isang written communication, lalo na sa kasong ang worker ay may karapatan sa panahon ng abiso. Sa ganitong mga kaso, ang dokumento ay magsisilbing patunay ukol sa natitirang araw ng trabaho.