Pekeng trabaho at pekeng tirahan, mga pensyonado iniimbestigahan.
Ang pagpunta ng Italya, karaniwang pangarap ng mga Pilipino na nasa Pilipinas gayun din ng mga Pilipinong nasa Italya nà para maparating ang mga kapamilya at kamag-anak sa Italya para sa isang kinabukasan.
Kapalit ng mga pangarap ay isang mapait na katotohanan. Isang susi sa mga pangarap kapalit ng isang sabwatan kasama ang mga pensyonado para sa halagang 1,000 euro para sa isang hanapbuhay at angkop na tirahan para makarating ng Italya bilang colf o care givers. Isang raket sa komunidad ng mga Italyano at kapwa Pilipino sa halos dalawang taon nà.
Labinlima ang kasalukuyang inaresto sa halos 140 na iniimbestigahan sa kasalukuyan sa “Prati di Papa”. Ang mga pensyonado, matapos ang imbestigasyon sa himpilan ng pulis sa San Paolo at ng tanggapan ng Ufficio Immigrazione sa pangunguna ni Maurizion Improta at Luigi de Angelis. Walo ang kasalukuyang nakakulong na at pito naman ang mga naka house arrest. Ang lahat ay kinasuhan ng pago-organisa at pakikipagsabwatan sa iligal na pagpasok ng dayuhan sa bansa.
Ang lahat ay nagaganap sa isang apartment na kilala sa pag-aayos diumano ng mga permit to stay at petition para sa mga Pilipno. Ito ay matatagpuan sa Via Varese, malapit sa Termini station. May ilang Chinese din ang kasabwat. Tatlong libong euro ang kabayaran dimano sa serbisyo at kapalit ay 150 hanggang 180 euros na resibo. Isang libong euro ang bayad sa pensyonado at ang dalawang libo naman ay pnaghahatian ng sindikato.
Ayon sa report ng Corriere di Sera, magkapatid na Manuela at Antonella Marinuzzi, 40 at 45 taong gulang, kasama ang isang PIlipinang nag-ngangalang Fiordeliza Lionello Antonio, 50 taong gulang ang nagunguna sa raket na ito.
Ayon pa sa Questura, ang tatlo ang nagsasaayos ng mga dokumentasyon ng pekeng tirahan, pekeng hanapbuhay gayun din ang paghahati hati ng buong kabayaran mula sa mga biktima.