Ikalawang araw ng pangangalap ng mga pirma sa bansa ng kampanyang “L’Italia sono anch’io”
Roma – Bukas ang mga campaigners ng “L’Italia sono anch’io” ay magdadaos ng ikalawang araw ng pangangalap ng mga lagda sa bansa bilang suporta sa dalawang bill sa pangunguna ng sambayanan para sa mga tema ng citizenship at right to vote sa halalang lokal ng mga migrante.
“Isang kaganapan, paliwanag ng mga organizers, na naging mas matimbang salamat sa mga naging pahayag ng Pangulo ng Republika noong nakaraang Martes, na nagsabing ang mga kabataang dumating sa bansa dahil sa imigrasyon ay bahagi ng lipunan at kumakatawan bilang pag-asa para sa kinabukasan ng lahat. Ito ay nagbigay lakas sa mga promoters ng kampanya upang magpatuloy ng mas may enerhiya sa kanilang mga pagsisikap.”
Sabado sa Rome, Milan, Bologna, Caserta, Lecce, Palermo, Sassari at sa marami pang ibang mga lungsod ay itatanghal ang kampanya at mangongolekta ng mga pirma, “upang umabot sa target na 50,000 signatures na kinakailangan upang maisumite ang mga panukala sa Parlamento.” Kabilang sa maraming programa, ang mga organizers ay ipinapa-alala ang gaganapin sa Reggio Emilia, mula 10:30 at magpapatuloy sa buong araw, ay mangongolekta ng mga lagda sa harap ng library ng San Pellegrino Marco Gerra na may poetry readings at mga palabas ng Teatro dell’Orsa.
Sa Florence, iba’t-ibang mga stands ang ihahanda sa 3 malalaking plasa, maging sa Sala San Frediano, kung saan gaganapin ang “GenerAzione Intercultura’ na magpapalabas sa mga bata, “Il pifferaio dei diritti” at sa ‘Universidad ng Edukasyon’ sa Florence ay magkakaroon ng screening ng pelikulang ’18 jus soli ‘, kasama ang direktor na si Fred Kuwornu. Kabilang sa mga promoters ng kampanya ang mga sumusunod: ACLI, ARCI, Caritas Italia, Centre Astalli, CGIL, CNCA-Pambansang koordinasyon ng pagtanggap sa mga komunidad, Federation of Evangelical Church in Italy, Migrantes Foundation at Freedom.