in

PANGUNAHING TEMA NG MEDIA: SICUREZZA

Habang sa Europa ang mga kaganapan sa Libya ay itinuturing na mga insidente ng digmaan, sa Italya naman ay tinatalakay ang mga tuntunin ng migrasyon o “imbasyon”

altAng pinakabagong ulat mula sa Osservatorio Europeo ukol sa Seguridad (na pinangangalagaan ng Demos, ng Osservatorio ng Pavia at Fondazione Unipolis) ay malinaw: ang mga pangunahing balitang pang prime time sa ilang mahahalagang bansa sa Europa (Italya, Pransya, Espanya , Germany at Great Britain), sa loob ng unang apat na buwan ng 2011, ang mga balita tungkol sa imigrasyon ay 3% lamang ng kabuuan.

Sa Italya, lalo na sa TG1, nagyon ay umabot ng 13.9% at ito ang pinakamataas na antas ng pagbabalita ukol sa migrasyon. Halos parehong porsyento rin sa ibang pangunahing pinagmumulan ng mga balita, pampubliko man o pribado.

Subalit, habang sa Europa ang mga kaganapan sa Libya, North Africa at interbensyon dito ay itinuturing na mga katotohanan at mga kaganapan ng digmaan, sa Italya naman ay partikular na tinatalakay ang mga tuntunin ng migrasyon o ‘”imbasyon”. Ito ang una at pangunahing argumento na ginagamit ng Lega Nord bilang suporta sa mga pagsalungat sa interbensyon sa Libya.

Gayunpaman, sa kabila ng mga pagdaong at ng ‘digmaan’ sa Mediterranean, ang agwat sa pagitan ng pakay ng media at pagkabahala ng mga mamamayan, sa katunayan, ay nananatiling malaki.

ANG PERSEPYON NG SAMBAYANAN

Ayon sa ulat ng Osservatorio Europeo ukol sa Segurudad, “Ang migrasyon ay ang pangunahing ikinababahala ng 6% ng mga Italyano”. Ang mga tema ng ekonomiya, trabaho at antas ng pamumuhay (55%) ay ang malaking ikinababahala ng mga ito. Lumalabas na ang pagtingin sa migrante ay samakatuwid, walang kinalaman sa populasyon.

Ganito rin ang katotohanan kung krimen ang pag-uusapan, na nananatiling pangunahing isyu ng mga telebisyon (55% ng mga balita sa prime time) habang 10 % lamang ng popolasyon ang tunay na nababahala. Ayon kay Ilvo Diamanti, presidente ng Demos “ito ay isang patunay ng kasalukuyang paglilikha ng politika at ng kawalan ng kasiguraduhan ng media na kadalasang humahantong sa paghahatid takot sa ‘iba’ at ito ang paraan kung ekonomiya at unemployment ang pag-uusapan”.

Sa pagkakataong ito – ayon pa kay Diamanti sa isang interview sa Repubblica – na ang salitang “iba” ay hindi magreresulta sa mga migrante na dumadating sa Italya, na napipilitan dahil sa matinding mga pangangailangan o emergency; kadalasang mahirap at maselang kondisyon Sa ngayon, sa Italya, ay kumakalat ang takot ng kawalang katiyakan ng paligid. Pakiramdam na palaging may panganib na nanggagaling sa labas gayun din sa lahat ng panig at direksyon. Mula sa mga pag-aaklas at gera sa North Africa at sa Gitnang Silangan. Kundi pati na rin mula sa Europa at lalo na mula sa Germany. “

“Tayo, na ang ating pinanggalingan ay pinalalim ng ating ‘identity’ batay sa sining ng pag-angkop sa realidad. Tayo na itinuturing na isang mahalagang sambayanan sa kabila ng pamahalaan at ng estado. Ngayon ay nakikita natin ang ating mga sariling ligaw at tila mga dayuhan sa ating sariling bayan”, pagtatapos pa ni Diamanti.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Marriage Encounter ginanap sa Roma

Pagtatanggal sa mga walang trabaho at mga refugees sa intership o stage, hindi dapat!