Kabilang ang panlilimos at pangongotong sa parking ng inaprubahang decreto Salvini sa Senado mula sa maxiemendamento. Narito ang mga karagdagang puntos.
Una sa lahat ay nasasaad ang reato di esercizio molesto dell’accattonaggio – artikulo 669 bis c.p. – kung saan nasaaad ang pagkakakulong mula 3 hanggang 6 na buwan at multa mula €3000 hanggang € 6000 sa sinumang manghihingi ng limos at magpapanggap ng pagkakaroon ng karamdaman o pagiging pulubi at anumang panlilinlang kaawaan lamang.
Bukod dito ay nilalaman din ng susog ang parcheggiatori abusivi o ang walang pahintulot na pamamahala ng mga parking areas at paghingi ng bayad sa publiko o pangongotong. Nasasaad ang multa mula € 771 hanggang €3101, ngunit sa kasong maulit o ang pagtrabahuhin ang mga menor de edad ay magiging reato di contravvenzionale at paparusahan ng pagkakakulong mula 6 na buwan hanggang 1 taon, at multa mula €2000 hanggang € 7000 at sekwestrado ang halagang nalimos.
Isa pang mahalagang nilalaman ng mga susog ay ang ‘Daspo’ o pagba-ban sa mga public places. Sa kaso ng kaguluhan sa isang pubic place o anumang pagdiriwang, ang mga naging sanhi ng kaguluhan ay pagbabawalang makapasok sa local place na ito mula 6 hanggang 2 taon.
At ang panghuli, bukod sa malaking budget para sa kaayusan at seguridad ng mga shelters, ay nasasaad ang konsepto ng “paesi di origine sicuri” na tumutukoy sa international protection. Sa kasong ang mga aplikante ay mula sa mga bansang hindi maituturing na ‘paese sicuro’, ay hindi tatanggapin at samakatwid ay tatanggihan agad ang aplikasyon nito.