Halos 300,000 ang nakarehistro sa Cas.Sa.Colf, ngunit ang pagbabayad ng karagdagang kontribusyon ay kinakailangan pa rin. Ito ay ibibigay bilang allowance sa kaso ng hospitalization at ilang bahagi naman sa manggagawa, pati na rin ang insurance para sa mga employer sa anumang aksidente.
Rome – Tatlong sentimos sa bawat oras ng trabaho. Maaaring maliit lamang, ngunit sapat na upang magbigay ng ilang karagdagang proteksyon, buko dito ay “compulsory” para sa mga colf, mga care givers at mga employers.
Mula Hulyo noong nakaraang taon ay inumpisahan ang Cas.Sa.Colf, na nagbibigay ng araw-araw na allowance sa hospitalization, recovery, maternity at refund sa mga health tickets na binayaran sa anumang serbisyo ng espesyalista sa mga tanggapan ng SSN (NHS). Para naman sa mga employers ay isang insurance coverage hanggang 50,000 euro para sa sa kaso ng aksidente o casualty ng mga taong nangangalaga ng kanilang mga tahanan o ng kanilang mga mahal sa buhay.
Ito ay naaayon sa kasunduan (o contratto collettivo di lavoro domestico) at ang pagrerehistro dito ay kinakailangan. Ito ay nangangahulugan na ang lahat ng mga employers ay dapat magbayad tuwing ikatlong buwan, kasama ng kontribusyon sa Inps, ng 0.03 sentimos sa bawat oras ng trabaho (€ 0.01 ay dapat bayaran ng manggagawa, na maaaring kaltasin na lamang sa kanilang sahod). Gaano karami ang nakaka-alala nito?
“Sa ngayon umabot ng 162,000 ang mga payments, samantalang mayroong rehistradong 300,000 mga employers. Inaasahan naming ang halos kalahating milyong payments hanggang Disyembre”, ayon kay Bruno Perin, ang Presidente ng Cas.Sa.Colf, sa isang panayam ng stranieriinitalia.it. “Isang hindi balanseng sitwasyon dahil halimbawa maraming nakarehistro sa Lombardia o Piedmont at mababa naman sa Lazio o sa Campania”.
Ang sistema ng pagbabayad, ay hindi isang tulong. Tuwing ikatlong buwan ay kailangang isulat sa Postal bill ng kontribusyon ang code “F2” sa box ng “C.ORG” habang sa box ng halaga (o importo) ay ilalagay ang resulta ng multiplication ng oras ng trabaho sa 3 buwan at ng € 0.03. Sapat na upang maging mas mahirap sa ilang mga employer na imbis na pagaanin ang proseso upang labanan ang kalabang ‘lavoro nero’.
Hindi ba magiging mas madali kung tinaasan ng tatlong sentimo ang bawat oras sa kontribusyon sa INPS, na maaaring pagkatapos ay gawin ang mga kinakailangang dibisyon? “Tinanaong naming iyan, ngunit ang INPS ay sinabing ito ay hindi posible. Dahil ang kontribusyon ay sakop ng contratto collettivo at hindi ng isang batas”, paliwanag ng Presdidente ng Cas.Sa.Colf. Nangangahulugan ito na ang mga hindi magbabayad ay walang panganib ng inspeksyon mula sa INPS, gayunpaman, ang manggagawa ay maaaring maghain ng kaso laban sa kanyang employer kung darating ang mga kaso tulad ng mga hospitalization, na isang benepisyo mula sa Pondo.
Si Perin, gayunpaman, ay umaasa. “Maaayos ang mga resulta sa ngayon, lalo na sa pamamagitan ng mga ‘kwento’ at sa pamamamgitan ng trabaho ng mga consultant, caf at mga patronati at nais din naming magsimula ng isang kampanya. Isang partikular na sektor ang aming ginagalawan, at mahalagang ibigay ang proteksiyon sa mga nangangailangan nito. Sa susunod na pagkakataon na kayo ay magpi fill-up ng postal bills, alalahanin din ninyo ang Cas.Sa.Colf. “