Ang sinumang mayroong sapat na dokumentasyon ay maaaring umuwi at mag-bakasyon sa Pilipinas o sa ibang Schengen countries. Samantala, ang sinumang naghihintay ng resulta ng regularization ay magdiriwang ng Pasko sa Italya.
Roma – Dis 3, 2012 – Kontrolin muna ang mga permit to stay bago magpasyang umuwi o magbakasyon sa Pilipinas para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko. Narito ang ilang paalala upang hindi maharap sa ilang mga mapapait na sorpresa.
Ang sinumang mayroong balidong permit to stay ay maaaring malayang magplano ng bakasyon at kung kailan babalik sa Italya, dala lamang ang original na permit to stay. Maaaring magbiyahe bilang turista, ng hindi kinakailangan ang entry visa sa lahat ng bansa ng Schengen: Belgium, France, Germany, Luxembourg, Netherlands, Portugal, Spain, Austria, Greece, Denmark, Finland, Sweden, Iceland, Norway, Slovenia, Estonia, Latvia , Lithuania, Poland, Czech Republic, Slovakia, Hungary, Malta at Switzerland.
Subalit kung pipiliin ng isang non-Schengen country, ay dapat alamin ang mga kasunduan ukol sa entry visa sa pagitan ng Italya at ng Pilipinas.
Para sa mga taong naghihintay naman ng renewal ng permit to stay, ang paglabas o pagbalik sa bansang Italya ay hindi dapat dumaan o ang magkaroon ng stop over sa anumang bansa ng Schengen. Kailangang dalhin ang permit to stay at ang postal receipt (o cedolino) na dapat ipakita sa Immigration.
Ang sinumang naghihintay sa first issuance ng nasabing dokumento para sa trabaho o sa family reunification, at mayroong entry visa na “Schengen uniforme” ay malayang makakalabas at makakabalik ng Italya, ngunit kung ang entry visa ay iba sa nabanggit ay maaari lamang magbiyahe mula Italya hanggang Pilipinas (ganoon din sa pabalik sa Italya) na hindi dadaan sa anumang bansa sa Europa. Ipinapayo na dalhin ang postal receipt (cedolino) at ang pasaporte at dapat ipakita ang entry visa buhat sa konsulado kung saan nasasaad ang dahilan ng pananatili sa Italya.
Samantala, Paskong Italya naman sa sinumang naghihintay sa resulta ng regularization dahil ang resibo sa ipinadalang aplikasyon ay hindi balidong dokumento upang makabalik sa Italya. Bago tuluyang maging malaya sa pagbabakasyon sa Pilipinas, ang mga nagsumite ng aplikasyon para sa regularization ay dapat hintayin ang appointment o convocazione sa Sportello unico upang pirmahan ang contartto di soggiorno at ang aplikasyon para sa first issuance ng permi to stay.