in

Pasok sa programa, kahit walang order of expulsion

Para sa mga undocumenteds na babalik ng kusang-loob sa kanilang sariling bansa ay hindi papatawan ng re-entry ban sa pagbalik sa Italya. Narito ang mga paliwanag ng Ministry ng Interior.

Rome – Enero 17, 2013 – Hindi kailangan ng order of expulsion upang makapasok sa programa ng return migration o rimpatrio assistito.  At para sa mga undocumented na babalik sa kanilang bansa sa pamamagitan ng programang ito ay hindi papatawan ng re-entry ban sa pagbalik sa Italya.

Ito ay ang orientation ng Immigration department ng Ministry of Interior, na nilinaw sa pamamagitan ng pagsagot sa panawagan ng Questura ng Milan. Isang hindi pa ganap na posisyon, gayunpaman, dahil hinihintay pa rin ang opinyon ng pangangasiwaan ng Civil Immigration ang Asylum.

Sa Circular ay ipinapa-alala na ang mga dayuhang pasok sa programang nabanggit ay exempted sa anumang order of expulsion. Ngunit ipinapaalala rin na kapag tinutukoy ang programang ito, ang Immigration law ay walang nabanggit ukol sa expulsion “at ang pagiging kabilang sa programang ito ay hindi nababatay sa preliminary implementation ng order of expulsion ng prefecture”.

Ang batas sa madaling salita ay nais hikayatin sa boluntaryong paglisan ang mga undocumented sa bansa" at ang programang rimpatrio assistito ay isa sa mga instrumento upang makamit ang layuning ito. Dahil dito, ay hindi papatawan ng re-entry ban ang mga undocumented na mahuhuli ng mga border police habang iniiwan ang bansang Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization – Ang dapat gawin kung matatapos ang employment

Bogie, ang asong sanay sa pag-angkas sa motorsiklo