in

Patuloy ang mga alkalde:18 taong gulang ka, halika sa Comune..

Isang taon nang nagpapatuloy ang info campaign para sa mga ipinanganak sa Italya kung paano magiging Italyano sa pagsapit ng 18 taong gulang. Delrio (Anci): “Kami ay magpapatuloy hanggang hindi napapalitan ang batas”.

Roma  – 19 Nov 2012 – “Maligayang Bati sa iyong pagsapit ng 18 anyos, ngunit tandaan na maaari kang maging isang ganap na Italyano

Ito ang buod ng liham na ipinapadala sa mga anak ng mga imigrante na ipinanganak sa Italya sa pagsapit ng kanilang ika-18 taong gulang. Ang mga liham ay buhat sa halos 100 alkalde na isang taon nang nagpapa-alala ng balita sa pamamagitan ng direktang komunikasyon o pagpapabigay-alam nito. Isang paraan upang ipaalam sa ikalawang henerasyon ang kanilang karapatang magsumite ng aplikasyon para sa citizenship sa mga Munisipyo, tulad ng nasasaad sa batas, bago ang pagsapit ng ika-19 anyos. Makalipas ang panahong ito, ang proseso, sa katunayan, ay ipapasa sa Ministry of Interior, isang prosesong mas mahaba at mas kumplikado.

Ito ay sa pamamagitan ng info campaign “18 anni… in Comune”, na kasalukuan nang nagbubunga. Ayon sa kalkulasyon ng mga promoters nito (Associazione nazionale dei Comuni Italiani, Save the Children e Rete G2-Seconde Generazioni), halos 1,200 ang mga kabataan ang tumanggap ng Italian citizenship sa 358 mga Comune na lumahok sa inisyatiba, at 31 ng mga ito ay pawang mga provincial capital.   

 “Sa paghihintay ng reporma sa batas ng pagkamamamayan, kami ay magpapatuloy sa kampanya upang mapaabot sa mga komunidad ang karapatan ng ikalawang henerasyon, na ating mga tunay na kababayan ngunit hindi para sa batas. Sa katunayan, ipinapaalam sa bansa sa paraang direkta ang pinagdadaanan ng mga kabataan, hati sa sentimyemto at karanasan sa ating bansa, at formally excluded sa karapatang kilalanin bilang mamamayan”, paliwanag ni Graziano del Delrio, ang pangulo ng Anci.  

 “Hindi ito ang unang pagkakataon – bigay-diin pa ni Delrio – na ang mga Comune, sa pamamagitan ng sariling mga pamamaraan, ay hinaharap ang kawalan ng resulta sa Parliyamento ng mga tema ukol sa mga social changes na hatid ng migrasyon”. Parehong tema ng karapatang bumoto sa halalang lokal at ngayon ang tema naman ng citizenship. Habang patuloy ang ikot ng national political debate, ang tunay na buhay ay hindi maaaring maghintay lamang.

Ang mga promoters, Anci, Save the Children at Rete G2, ay naglathala rin ng online guide “18 anni… in Comune!” na nagpapaliwanag ng procedures at ng mga benepisyo ng pagiging ganap na italyano sa pamamagitan ng pamamaraang ito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang taon ng panunungkulan ni Monti, maging para sa mga imigrante

PNoy, nasa Cambodia para sa ASEAN summit