Total silent ng mga ministro ng Interior at Integration, na nangako ng mga diskuwento base sa kita at bilang ng mga anak. Mga huling oras para makatipid mula 80-200 euros para sa renewal ng mga permit to stay.
Rome – 27 Ene 2012 – Ilang oras na lamang ang nalalabi. Ngayong hapon at bukas ng umaga. Pagkatapos nito ang mga post office ay magsasara hanggang Lunes Enero 30, kung kailan mag-uumpisang ipatupad ang ‘bagong buwis para sa releasing at renewal ng mga permit to stay’.
Ang buwis ay mayroong tatlong uri: 80 € kung ang permit ay may one year validity, 100 € kung mayrrong two years validity at 200 € naman para sa kilalang ‘carta di soggiorno’. Halagang ‘idadagdag ‘ sa halos 70 € para sa serbisyo. Exempted ang mga bata at categories tulad ng mga humihiling ng asylum at mga taong nagpapagamot sa Italya.
Ang gobyerno ay nananatiling tahimik habang unti-unting nararamdaman ang papalapit na pabigat sa mga mamamayan. Sa kabila ng mga ipinangakong ‘mas malalim na pagmumuni-muni’ noong nakaraang 4 Enero nina Andrea Riccardi at Anna Maria Cancellieri. “Sa panahon ng krisis na tumatama hindi lamang sa mga Italians gayun din sa mga dayuhan – ayon pa sa dalawang ministro – ay dapat suriing mabuti ang banayad na aplikasyon nito sa mga dayuhang mayroong mababang sahod at malaking pamilya”.
Sa nabanggit na ‘pagsusuri’ o ‘pagmumuni-muni’ ay wala nang narinig pa ang mga mamamayang dayuhan. Patuloy pa ba ito o tapos na. Ang resulta? “Tawagan ninyo ang Ministry of Interior, ginawa na namin ang aming parte ngunit sila pa rin ang magdi-disisyon”, ayon pa sa ministro ng Integration. Ngunit hindi ito madali, ilang araw na ring humihingi kami ng linaw buhat sa Viminale, ngunit ang maka-usap kahit ag under secretary na si Saverio Ruperto, na humaharap sa tema, ay mahirap.
Samantala, kailangang gawin ang countdown at marahil ay dapat alalahanin, na walang itinalagang panahon bago sumapit ang deadline na hindi pwedeng i-renew ang dokumento. Sa sinumang mag
re-renew ng permit to stay ngayon hanggang bukas ng umaga ay tiyak na makakatipid at maiiwasan ang bagong buwis. Maaaring ang gobyerno ay makahanap ng paraan sa pagdating ng takdang panahon.