in

PD – “Sanatoria, sagot sa pondo sa imigrasyon”

“Regularization at legalisasyon ng iligal na trabaho, maaaring pagmulan ng pondo para sa migration at integration”.

altRoma -22 Pebrero 2012- Kung kinakailangan ng pera upang pondohan ang imigrasyon ay maaaring matagpuan ito sa pamamagitan ng isang regularization at hindi ang pilitin ang mga legal na imigrante sa isang bagong buwis ng mga permit to stay.

Kumbinsido ang mga deputies ng Democratic Party, sa pamamgitan ng chairman ng Immigration  ng partido, LiviaTurco, ay isinumite ang isang interrogation  sa Ministry of Interior.

“Hinihiling namin sa pamahalaan–ayon sa pahayag ng grupo ng mga PD Deputies-ang mga hakbang na nais gawin upang ang overtaxing sa mga permit to stay na ninais ng nakarang gobyerno ay hindi makaapekto sa kinikita ng mga manggagawang dayuhang naninirahan sa ating bansa na malaki ang naitutulong sa pampublikong pananalapi ng bansa sa pamamagitan ng kanilang hanapbuhay. Hiling namin na kunin ang pondo para sa imigrasyon at integrasyon sa pamamagitan ng regularization at legalisasyon ng iligal na trabaho (lavoro nero)”.

Ang interrogation ay sasagutin  ngayong araw na ito ni Anna Maria Cancellieri. Ang Ministro ay naghayag noong Enero ng isang remodeling o pagbabago sa buwis ng releasing at renewal ng mga permit to stay na magbibigay ng mga bagong pamamaraan, magpapa-igsi sa panahon ng proseso at ayon sa ilang report, ay magpapahaba din diumano sa validity ng mga dokumento.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tuloy ang buwis ngunit mas mahabang validity ng mga permit to stay

AFFI FRANCHISE ROADSHOW