in

Pdl Liguria: “Tanggalin ang pensyon ng mga migrante”

alt“Ito ay isang kahangalan, matitipid ang halos € 50,000,000 kada taon”

Genoa – Si Gianni Plinio, ang responsible ng PDL Liguria sa seguridad, ay sumulat kay Ministro Giulio Tremonti ng Ekonomiya at hiniling na ilahad sa mga operasyon ng gobyerno ang pagtatanggal ng welfare benefit o assegni sociali sa mga dayuhan na over 65 yrs old na maituturing na ‘mabigat’ para sa badyet ng gobyerno at nakaka-pinsala sa karapatan ng mga mamamayang Italyano.

“Ito ay isang kahangalan at isang kawalan ng katarungan para sa maraming mga pensioners na Italyano”, pagpapaliwanag ni Plinio, kasabay ang pagbatikos sa batas noong nakaraang 2000 na pumasa sa pamamagitan ng pamumuno ng centre-left coalition leader na si Giuliano Amato, na nagbibigay karapatan sa mga dayuhan na may edad over 65 na walang sapat na pagkukunang pinansyal, na makatanggap mula sa INPS (o Social security) ng halos 500 € kada buwan.

“At ito – ayon pa kay Plinio – ay kahit na walang anumang kontribusyon sa nakaraan at matatanggap din ito sa pagbalik ng mga migrante sa kanilang sariling bansa”. Ayon pa sa leader ng PDL Liguria, ang kabuuang taunang gastos para sa pensyon ng mga migrante ay halos € 50,000,000. Isang mabigat na gastusin para sa kaban ng bayan na dapat tanggalin”,pagtatapos pa nito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Top 10 Wastes of Money Families Can Avoid

Pagdagsa ng migrante sa Lampedusa, umabot sa higit na 2600