in

Pediatrician sa anak ng mga undocumented, patuloy na ‘experimental phase’ sa Lombardy

Extended ng isang taon ang limited access sa regional health service ng mga anak ng mga undocumented. “Kailangan ng pangmatagalan at mas epektibong solusyon”, hiling ng mga asosasyon. 

 

Milan, Disyembre 27, 2016 – Tama bang pag-aralan ang kalusugan ng mga bata? Ang desisyon ngayon na maaaring magpatingin sa pediatrician at marahil ay hindi na sa mga susunid na taon? 

Tatlong taon na rin na sa Lombardy ay nananatiling nasa ‘experimental phase’ ang pagpapatala ng mga bata hanggang 14 anyos sa Regional Health Service, okasyunal na magpa-check up sa pediatrician (na walang pirming titingin) o ang pagpunta sa clinic ng hindi dadaan sa ER. At ang ituring silang undocumented tulad ng mga magulang na may karapatan lamang sa urgent at primary services. 

Ito ang naging resulta ng naging kasunduan sa pagitan ng Estado at Rehiyon, isang obligadosyonb para sa regional administration, matapos tanggapin ng hukom ang reklamo ng apat na asosasyon: Anolf Cisl, Asgi, Avvocati per Niente at Naga. Ang experimentl period ay dapat na magtatapos sa Dec 31, 2016 kung noong nakaraang Dec 5 ay hindi na ito pinalawig pa ng isang taon ni Roberto Maroni at naglaan pa ng ilang linya para sa mga batang ito sa “Regole di gestione del servizio sociosanitario 2017”.

Upang matiyak ang kumpletong pangangalaga sa kalusugan partikular sa mga mamamayang nabibilang na malapit at mas bukas sa panganib, na maiiwasan ang access sa SSR sa pamamagitan ng ER – paliwanag ng regulasyon – ay muling pinalawig hanggang 31/12/2017 ang pagtatapos ng experimental period. Ito ay magkakaroon ng parehong kundisyon at pamamaraan na ipinatutupad hanggang kasalukuyan, habang naghihintay sa isang mas epektibong solusyon ng proteksyon sa kalusugan ng mga undocumented minors”. 

Kung hanggang kailan mananatiling katulad ng mga magulang na undocumented ang mga anak ay walang nakakaalam. Pansamantala, ito ay pinalawig ng isang taon pa bilang experimental phase. 

Ang extension ay ang pinakamabilis na solusyon na maaaring gawin ng Regione. Ngunit kailangan ng isang pangmatagalang solusyon na magbibigay sa mga anak ng mga undocumented ng malayang pagpili ng pediatrician, at samakatwid, ang posibilidad ng pagkakaroon ng sa maraming taon ng iisang duktor na magbibigay ng tuluy-tuloy na serbisyong pangkalusugan”, ayon kay Maurizio Bove, ang presidente ng Anolf sa Milan. 

Ang Anolf, kasama ang Naga, Asgi at Avvocati per Niente ay binanggit rin ang mga edad 15 hanggang 18 anyos na hindi kabilang sa experimental period, mga menor na itinuturing na tulad ng mga undocumented adult, na para sa mga asosasyon ay maaaring tumanggap ng serbisyong pangkalusugan tulad ng mga batang hanggang 14 anyos. Bukod dito ay malaki rin ang suliranin sa impormasyon. 

Ang Region – paliwanag ni Bove – ay hindi kailanman gumawa ng mga information drive sa mga imigrante upang ipaalam sa kanila na maaaring ipatala ang mga anak sa servizio sanitario kahit walang permit to stay. Pati ang mga operators ng ssr ay hindi rin alam ang lahat ng impormayson, ang balita ang extension ay hindi naipaalam sa lahat at ito ay malaki ang epekto sa mga pamilya ng mga imigrante partikular ang mga undocumented, na isang emerhensya ngayong taon”. 

isang halimbawa ang sitwasyon ni Aling Teresa, isang Nanay na Salvadoran na tinulungan ng Anolf. Siya ay nagpapalaking mag-isa sa 3 anak. Isang dating full time caregiver at magmula ng mamatay ang inaalagaang matanda dalawang taon na ang nakakalipas at naging part timer na lamang at ito ay hindi naging sapat upang ma-renew ang permit to stay. At naging, tulad ng marami sa panahon ng krisi – isang irregular. 

Isa sa kanyang mga anak ay dyslexic. At nitong Disyembre ay nagtungo sa ospital para ipagamot ang anak ngunit ayon sa ospitak ay hindi na maari dahil magtatapos na umano ang experimental period para sa mga undocumented minors. Mabuti na lamang at nagkaroon ng extension! Ngunit ang malaking katanungan ay paano na sa susunod na taon?? 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kailangan bang i-report sa Questura ang pag-upa ng apartment ng mga imigrante?

Seasonal workers, mas madaling pagpasok sa Italya at conversion ng permit to stay