in

Pekeng hiring pa rin ng mga care givers: 43 nireport sa pangangako ng Permit to Stay

altRome – Nireport ang 43 katao sa ginawang pekeng hiring ng mga care givers na Egyptian, may edad na 30 hanggang 40 taong gulang, upang makapasok sa huling Amnesty (Sanatoria) ng 2009 at magkaron ng Permit to stay sa pananatili sa Italya.

Ayon sa report, ang imbestigasyon ay nagsimula isang taon na ang nakalipas, sa kahilingan na imbestigahan ng Prefecture ng Rimini ang isang employer na nagnanais na magkaroon ng Permit to stay ang isang Egyptian na naglilingkod sa kanya.

Napatunayan ng Pulisya ang mga panloloko at natuklasan ang pagbabayad ng Egyptian ng halagang 5000 € sa isang kababayan nito upang maihanap ng isang pekeng employer at sa pangakong magkakaroon ng ito ng Permit to stay.

Magmula noon ay lumitaw ang maraming kaso ukol sa pekeng hiring at pekeng mga employer. Nagpatuloy ang imbestigasyon at humantong sa pagkakatuklas ng mga kaso sa Varese, Verona, Como, Lodi, Agrigento, Lecco, Bergamo at Salerno.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Formation and Training Courses: mga bagong entries para sa taong 2011

POLO at OWWA, Bumisita sa Cagliari