Buhat sa Second Yearly Report ukol sa labor market ng mga imigrante na inilabas ni Minister of Labor Elsa Fornero.
Roma, Hulyo 11, 2012 – Mas maraming permanent contract (contratto indeterminato) ang ibinibigay sa mga dayuhang manggagawa kumpara sa mga Italians. Noong 2011, sa katunayan, ang sinimulang mga bagong kontrata ng mga imigrante, sa 18% ng mga kaso, ay pawang mga permanent contract. Ang mga EU nationals na nagkaroon ng permanenteng kontrata ay kumakatawan sa 22% ng kabuuang bilang, samantala sa mga non-EU nationals ay umabot sa 39%. Ang pagkakaiba, ay lalong kapansin-pansin kung gender ang pag-uusapan: kung ang average ng mga Italyanang nagkaroon ng kontrata ay 17%, para sa mga EU nationals naman ay 29% at mga non-EU nationals ay 48%.
Ito ang lumabas sa Ikalawang yearly report ukol sa market labor ng mga manggagawang imigrante na inilabas ni Minister of Labor Elsa Fornero, ng Director Genreal for Immigration and Integration Natale Forlani at mula sa Under Secretary of labor and welfare na si Maria Cecilia Guerra.
Mula sa ulat ay napag-alaman rin na hindi lamang mas maraming manggagawang dayuhan ang nagkakaroon ng permanenteng kontrato at pati ang duration ay napag-alamang mas mahaba: kung 34% ang trabahong natatapos para sa mga Italians na tumatagal ng mas mababa sa isang buwan, sa parehong panahon ay 21% ang trabahong natatapos para sa mga non-EU nationals at 27% naman sa mga EU nationals. Ang mga sektor na higit na nangangailangan ng manggagawa ay ang agrikultura 32.3% ng kabuuang bilang, konstruksyon 27.9%, industriya 20.8%, services to person 16.1% kung saan halos esklusibong pang non-EU nationals at tinatayang 60% ng kabuuan. Ang demand ay higit sa North kumpara sa Center at South. Isang mahalagang datos na dapat tandaan, ayon sa ulat, ay mayroong mataas na demand sa mga qualified jobs: sa taong 2011 sa katunayan ay nalampasan ang demand ng mga non-qualified jobs.
"Ang ulat na ito – ayon kay Minister Fornero – ay sadyang napakahalaga at may dalawang layunin, ang ipaalam sa mga institusyon at public opinion ang isang halos radikal na pagbabago sa supply at demand para sa imigranteng manggagawa, at upang pahintulutan ang pagkakaroon ng isang prosesong mahalaga sa mga desisyon ukol sa trabaho ng mga imigrante. Sa katunayan, ay kailangang ihinto ang usapin ng kakulangan sa supply ng manpower sa trabaho ng mga imigrante o ang mismatch sa sektor tulad ng pangangalaga sa mga special persons. Umaasa kami na- pagtatapos pa ng Ministro – na ang ulat sa susunod na taon ay maaaring anihin ang bunga ng reporma sa trabaho kung saan ang ilang punto ay nakalaan sa trabaho ng mga imigrante.