in

Permesso di soggiorno CE at permesso di soggiorno UE, ano ang pagkakaiba? 

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Maraming dayuhan ang nagtatanong at naguguluhan sa permesso di soggiorno CE at permesso di soggiorno UE. Partikular, kung ano ang pagkakaiba sa dalawang nabanggit na uri ng dokumento. Narito ang pagkakaiba ng dalawa. 

Ang pagkakaiba ng Permesso di soggiorno CE at Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo

Ang permesso di soggiorno CE ay tumutukoy sa dating carta di soggiorno. Ang ganitong uri ng permesso di soggiorno ay nagpapahintulot sa maraming karapatan sa mga dayuhan sa Italya, maliban ang nakalaan lamang sa mga Italyano. Sa katunayan, mas marami itong mga requirements at samakatwid, ay mas mahirap magkaroon ng ganitong uri ng dokumento.

Basahin din: Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, mga dapat malaman sa pag-aaplay

Ang salitang permesso di soggiorno CE ay ginamit hanggang 1998, sa batas 286 o ang Testo Unico sull’Immigrazione na ginagamit hanggang sa kasalukuyan bilang guideline sa mundo ng imigrasyon kahit na ito ay nagkaroon ng mga susog sa paglipas ng panahon.  

Sa artikulo 9 ng nasabing batas ay nasasaad ang mga requirements at procedure na dapat gawin sa pag-aaplay ng permesso di soggiorno CE. Sa artikulo 9bis, ay tinalakay naman ang paglipat sa Italya ng mga dayuhan mula sa ibang bansa ng EU na mayroong permesso di soggiorno CE. 

Ang permesso di soggiorno UE, kung saan ang salitang EU ay nangangahulugan ng European Union. Ito ang salitang ipinalit sa CE o Comunità Europea, mula sa Legislative Decree ng February 13, 2014, n. 12 sa artikulo 3, talata 1:

Ang salitang “permesso di soggiorno CE per soggiornanti di lungo periodo” na nasasaad sa legislative decree ng July 25, 1998, n. 286, pati na rin sa iba pang probisyon ng regulasyon, ay pinapalitan ng salitang “permesso di soggiorno UE”. 

Ang batas na ito ay nagkabisa ng taong 2014.

Nangangahulugan lamang ito na ang lahat ng mga ganitong uri ng permesso di soggiorno na inisyu simula March 11, 2014 ay hindi na tinawag na Permesso di soggiorno CE, bagkus ay Permesso di soggiorno UE na. 

Samakatwid, ang dalawang uri ng permesso di soggiorno na nabanggit ay walang pagkakaiba at tanging ang salita lamang mula CE sa UE. 

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Kakulangan ng mga gamot sa Italya, nagpapatuloy

Bonus Trasporti, nagbabalik ngayong 2023!