in

Permesso di Soggiorno para sa mga dayuhang nais mag-invest sa Italya

Isang pribiliheyo ang ibibigay sa sinumang mamumuhunan ng 1 million euros sa anumang Italian company o kukuha ng government bond na nagkakahalaga ng 2 million euros. Narito ang nilalaman ng Budget bill 2017. 

 

Nobyembre 25, 2016 – Pagbubukas sa mga mayayamang dayuhan. 

Ang Budget Bill 2017 ay naglalaman din ng susog sa Testo Unico per l’Immigrazione at may karagdagang artikulo ukol sa “Pagpasok at pananatili ng mga Investors”. Sa ganitong paraan sinusubukang maging mas kaakit-akit ang Italya para sa mga dayuhan na may sapat na kakayahang pinansyal at gamitin ito ng kapaki-pakinabang. 

Ang pribiliheyong ito ay nakalaan sa mga mamumuhunan mula 1 million euros sa isang Italian company o kukuha ng government bond na nagkakahalaga ng 2 million euros at sa parehong kaso ay hindi bababa sa dalawang taon. Pareho rin ang nasasaad para sa mga philanthropists na magbibigay ng donasyon na hindi bababa sa 1 million euros kada proyekto ng may important public interest.

Ang mga tinatawag na luxury immigrants ay makakapasok sa Italya sa gamit ang isang special entry visa at pagkakalooban ng 2 yr permit to stay, na renewable sa susunod na 3 taon kung kumpirmado ang investment. Maaari rin nilang dalhin sa Italya ang kanilang pamilya. Ang Ministries of Foreign Affairs at Interior, sa pamamagitan ng dekreto, ay maglalabas ng mga detalye at pamamaraan. 

Karanasan ng ilang bansa sa Europa ang naging inspirasyon – ayon sa ulat na lakip ng Budget bill 2017 – at hinangad ang isang modelo sa imigrasyon upang mapadali ang pagpasok sa Italya ng mga potensyal na benepisyaryo ng bagong panukala na inaasahang makakahikayarìt sa mga future investors ng bansa”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano mag-aplay ng Family Reunification para sa asawa at anak? Narito ang mga hakbang

“Hindi makakapasok sa nursery ang walang bakuna” – Zingaretti