Ibibigay lamang ang permesso di soggiorno per attesa occupazione kung ang registration sa Centro per l’Impiego ay naganap bago ang expiration ng permit to stay o sa validity period ng nasabing dokumento.
Ito ay nasasaad sa hatol ng Administrative Court ng Emilia-Romagna noong nakaraang August 2, batay sa interpretasyon ng artikulo 22 talata 11 ng D.Lgs 286/1998 (TU Immigrazione) na nagsasaad na ang pagkawala ng trabaho ay hindi dahilan upang pawalang-bisa ang permit to stay at ito ay balido para sa lahat ng uri ng employment.
Kahit pa ang employment contract ay tempo determinato, ito ay nagpapahintulot sa issuance ng permit to stay at kung sakaling ang kontrata o hiring ay magtapos ng mas maaga sa itinalaga, ito ay hindi dahilan ng pagpapawalang-bisa sa permit to stay.
Ngunit mahalagang ang pagpapatala o registration sa Centro per l’Impiego ay maganap sa panahong balido pa ang permit to stay.
Samakatwid, kung ang pagpapatala ay makalipas ang validity period ng dokumento, ito ay magiging hadlang para sa issuance ng permesso di soggiorno per attesa occupazione.
Basahin din: