Isang bagong legislative decree ang nagbigay susog sa ilang batas na nilalaman ng Testo Unico sull’Immigrazione sa pagsasabatas ng European dicrective 801 ng 2016. Simula July 5 ang mga kundisyon sa pagkakaroon ng permit to stay para sa pag-aaral (studio), internship (tirocinio), research (ricerca), volunteer (volontario), cultural exchange (programmi di scambio educativo), au pair (collocamento alla pari) ay magkakaroon ng mga pagbabago.
Ang Italya sa katunayan, sa pagsasabatas ng EU Directive 2016/801 ng European Parliament at ng European Council ng May 1, 2016, ay opisyal na inilathala sa Official Gazzette noong June 20, 2018 ang pagpapatupad ng legislative decree n. 71 ng May 11, 2018.
Ito ay nagtataglay ng mga pagbabago sa Testo unico dell’immigrazione, partikular sa mga artikulo ukol sa pagpasok at paninirahan sa bansa ng mga volunteers, reserchers at mga students.
Sa madaling salita ay pinagsama ang dalawang diretikba, noong 2014 na nagsasaad ng mga kundisyon para sa mga non-Europeans para sa pag-aaral, cultural exchange, internship o volunteer at ang direktiba noong 2005 na nagsasaad naman ng mga kundisyon para sa mga non-Europeans para sa pananaliksik o research.
Upang maging higit na kaakit-akit ang European Union para sa research at innovation, ay ipatutupad ang bagong batas kung saan isinama rin ang mga kundisyon para sa au pair, ngunit binigyang pahintulot ang bawat bansa kung isasabatas ito o hindi. Ang Italya ay nagpasyang hindi ito ipatupad.
Gayunpaman, sa bagong legislative decree ay nasasaad ang mga bagong kundisyon ukol sa pagpasok at pananatili sa bansa para sa research, pag-aaral, cultural exchange, internship, volunteer at paghahanap ng trabaho o entrepreneurship ng mga mag-aaral.
Partikular, ang legislative decree 154 ng 2007 ay idinagdag ang artikulo 27 bis sa Testo Unico sull’Immigrazione, ang motivo di volontariato sa mga kaso ng pagbiigay ng permit t stay at pananatili ng mga kabataang dayuhan na bahagi ng mga volunteer programs.
Bukod dito, ang legislative decree 71/2018 ay nagbigay ng bagong artikolo ng Testo unico sull’Immigrazione na nagsasaad na kung ang dayuhan ay nakatapos ng post-diploma sa Italya ay may posibilidad na magkaroon ng permit to stay, matapos ang validity ng motivo di studio, upang makahanap ng trabaho o makapag simula ng isang business na angkop sa tinapos na kurso.