Bagong batas ukol sa individual permit to stay para sa mga anak na menor de edad. Ang mga magulang ay dapat magbayad ng 30,46 euros bawat menor na anak. Narito ang Circular ng Viminale.
Roma, Agosto 16, 2016 – Ang permit to stay for minors ay mayroon ng ‘halaga’ para sa mga magulang.
Noong nakaraang July 23 ay simulang ipinatupad ang European law 2015-2016 kung saan nasasaad din ang individual permit to stay para sa lahat ng mga menor de edad na dayuhan. Matatandaang ang batas na ipinatutupad noon ay ang pagkakaroon ng individual permit to stay sa pagsapit lamang ng edad na 14, ang mga mas bata sa nabanggit na edad ay kasamang nakatala lamang sa permit to stay ng mga magulang.
Sa katunayan, noong 2013, sa pamamagitan ng gradual experimentation, ang mga Questure ay simulang nag-isyu ng electronic permit to stay kahit sa mga menor de edad. Ito ay ginagawa ng mga magulang sa kanilang pagre-renew ng permit to stay kung saan nakatala rin ang kanilang mga anak.
Ang mga dokumentong nabanggit ay unti-unting inisyu sa buong bansa ng walang karagdagang halaga. Matapos ang experimental period, simula July 23 ngayong taon sa pagpapatupad ng bagong batas ang mga permit to stay para sa mga menor de edad ay mayroon ng kabayaran o kapalit na halaga para sa kanilang mga magulang.
Ito ay kinumpirma ng Ministry of Interior, sa pamamagitan ng isang Circular mula sa Questura na nagsasaad na siguraduhin ang pagbabayad ng mga magulang o ng legal custody pati ng individual permit to stay sa bawat menor de edad na anak.
Ang katibayan nito ay ang postal bill. Ang mga magulang ay kailangang magbayad ng 30,46 euros para sa sarili at karagdagang 30,46 euros para sa bawat anak gamit ang ibang postla bill. Sa bawat bolletino, paliwanag ng Viminale, sa bahaging ‘eseguito da’ ay kailangang isulat ang pangalan at apelyido ng menor de edad.
Sa halagang nabanggit ay kailangang idagdag ang ibang bayarin tulad ng: 16 euros para sa revenue stamp o marca da bollo at ang 30 euros para sa serbisyo ng poste italiane. Ang tinatawag na buwis o kontribusyon mula 80 hanggang 200 euros, ay hindi na dapat pang bayaran pa.
Ang Circular ng Ministry of Interior