Ang renewal ng permit to stay ng dayuhan ay maaaring tanggihan kung ang nabanggit ay nakagawa ng paulit-ulit na mga paglabag o krimen na nauugnay sa transportasyon at maging sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot o droga. At sa harap ng mga iligal na gawain, kung mapapatunayan matapos ang angkop na paglilitis o pagsususri, ito ay ipatutupad kahit na ang dayuhan ay mayroong miyembro ng pamilya na naninirahan sa Italya.
Ito ang nilinaw sa ikatlong sesyon ng Council of State, sa hatol bilang 2654 noong May 4 2018, sa pagtanggap ng apila mula sa Ministry of Interior, laban sa naging desisyon ng o Liguria Regional Administrative Court o TAR ukol sa releasing ng permit to stay.
Partikular, ay ipinaglaban ng dayuhan ang pagtanggi sa dekreto ng Questore sa Collegio amministrativo regionale sa hindi nito pagbibigay pahintulot sa releasing ng permit to stay for self-emplyment dahil sa dalawang convictions laban sa kanya na kinasasangkutan ng droga o ng ipinagbabawal na gamot.
Tinanggap ng Regional Administrative Court ang apila ng dayuhan, sa dahilang: kung mapapatunayang mayroong miyembro ng pamilya – tulad sa kasong nabanggit – ang administrasyon ay hindi makakapaghayag agad ng pagtanggi kung hindi muna pag-aaralan o susuriin ang pagkakaroon ng miyembro ng pamilya sa bansa at pagkatapos nito ay saka pa lamang susuriin ang krimen na hahadlang sa releasing ng permit to stay dahil sa mga naging paglabag.
Ngunit hindi ganito para sa Council of State, na nagsasabing walang duda na ang krimen ng dayuhan ay malala, paulit-ulit at tiyak na kumakatawan bilang panganib sa lipunan at banta sa seguridad ng publiko. Samakatuwid, ang mga nabanggit ay sapat na dahilan upang tanggihan sa dayuhan ang pagpasok sa bansa batay sa artikulo 4 talata 3 ng D.Lgs 286/1998 at dahil dito, sapat ding dahilan upang tanggihan ang pananatili sa bansa anuman ang dahilan nito.
Sa katunayan – mababasa sa hatol – ang Administrasyon ay kailangang tamang balansihin ang sitwasyon, tulad ng nasasaad sa ex lege, sa mga krimeng hahadlang sa renewal ng permit to stay (kabilang ang pagbebenta ng bawal na gamot) at ang family condition, para sa isang konklusyon ay nangingibabaw ang ginawang krimen kaysa sa family condition ng dayuhan dahil na rin sa mabigat at paulit-ulit na paglabag nito.
Samakatwid, ang naging krimen ay banta sa lipunan at mas matimbang na dahilan kaysa sa ‘family reason’ o pagkakaroon ng miyembro ng pamilya na naninirahan sa Italya.
Paglilinaw pa ng Council of State, ang pagkakaroon ng pamilya sa bansa ay hindi maaaring magsilbing ‘panangga’ o garantiya upang magkaroon ng immunity sa pagpapawalang-bisa o pagtanggi sa renewal ng permit to stay o dahilan ng pananatili sa bansang Italya.