in

Permit to stay per studio balido habang nag-aaral, kung makakapasa lamang sa exams

Inilathala ang decreto legge na nagtataglay ng mga bagong pamantayan. Hindi agarang ipatutupad, kailangang baguhin muna ang implementing rules and guidelines ng batas sa imigrasyon.

Oktubre 8, 2013 – Ang mga permit to stay per studio ay magkakaroon ng validity tulad ng haba ng kurso. Ngunit ito ay kung magpapatuloy na maipasa ang mga exams. Ipatutupad lamang sa pagtatapos ng ginagawang pamantayan nito. 
 
Ito ay nasasaad sa decreto legge na naglalaman ng “Misure urgenti in materia di istruzione, università e ricerca” o Agarang Aksyon para sa pag-aaral, unibersidad at pananaliksik na pinirmahan noong Setyembre 9 ng Council of Ministries. Bukod dito, ito ay nagtataglay din ng isang artikulo na maaaring humikayat sa mga ‘matatalino’ buhat sa ibang bansa gayun din ng isang ‘pagpapagaan’ sa pamumuhay ng mga mag-aaral na nasa Italya na. 

 
"Ito ay isang napakahalagang pamantayan, na may layuning higit na mahikayat ang mga mag-aaral buhat sa ibang bansa na magpunta sa Italya upang mag-aral, isa sa mabigat na problema sa sistema ng edukasyon sa bansa”, ayon kay Prime Minister Enrico Letta sa isang press con. Sa katunayan, ang bilang ng mga international students sa loob ng mga unibersidad sa Italya ay halos 4% lamang ng average rate sa Europa. 
 
Nais humikayat ng mga mag-aaral at matulungan ang mga mag-aaral na nasa Italya na. Ilang anak ng mga imigrante ang lumaki sa Italya at sa paghantong sa unibersidad, ay nanatiling regular sa bansa dahil sa pagkakaroon ng permesso di soggiorno per studio?
 
"Ito ay isang pamantayang mayroon ang ibang bansa. Nais naming gawing competitive ang ating mga unibersidad at matulungan ang maraming mag-aaral na nahihirapan sa proseso ng burokratiko at napipilitang huminto sa pag-aaral”, paliwanang ni Cècile Kyenge, ang kasalukuyang Ministro ng Integrasyon, na may-akda ng panuntunan at sinabing “Isang mahalagang hakbang para sa Italya” .
 
Ang Artikulo 9 ay naglalaman  ng “Validity ng permit to stay ng mga mag-aaral”. Sinabing simula sa ngayon, ay hindi na maaaring mas mababa ang validity sa panahon ng pag-aaral, o kahit mas higit na taon, ng isang kurso o kahit may ‘debit’, siguraduhin lamang ang pagkuha ng yearly recovery exams”. 
 
Ito ay nangangahulugan, halimbawa, sa sinumang nag-enroll ng engineering ng 3 taon, ay bibigyan ng permit to stay na may validity ng 3 taon. Upang mapanatili ang validity na ito, ay kailangang patunayan ang pagpasok at ang pagpasa sa exams. Isang kunsidyon upang maiwasang gamitin ang unibersidad sa pagkakaroon ng permit to stay.  
 
Sa puntong ito ay kailangan itong ipatupad: paano, halimbawa, ang pagsusuri sa mga yearly recovery exams? Ang mga Unibersidad at mga Questura ba ay may komunikasyon tulad online? O ang mag-aaral ay kailangang humingi taun-taon ng certificate na ipakikita sa mga tanggapan?
 
At muli, magkano ang halaga ng permit to stay na ito? Hanggang sa kasalukuyan, dahil may yearly validity, ang buwis sa releasing at renewal ay 80 euros. Maaaring tumaas dahil humaba rin ang validity ng dokumento, dahil sa dekreto ay nasasaad rin na “hindi maaaring maglagay ng bago o magdagdag ng kaukulang bigat sa pamahalaan”. Maaaring tumaas hanggang sa 200 euros, tulad ng mga carta di soggiorno.
 
Para sa mga kasagutan ay kailangang maghintay ng 6 na buwan. Ilalabas kasabay ng mga susog sa
regulasyon sa pagpapatupad ng batas sa imigrasyon . At makalipas ang labing-limang araw ay ipatutupad ang mga bagong panuntunan sa validity ng permit to stay para sa pag-aaral o pagsasanay.
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA PILIPINO, SI POPE FRANCIS AT ANG BIRHEN NG BONARIA

The founding of the Patriotic Order of the Supremo Andres Bonifacio