in

Permit to stay sa sinumang makikipag-tulungang labanan ang terorismo

Nakalaan sa mga informers. Ito ay nasasaad sa anti-terrorism package.

Roma – Pebrero 16, 2015 – Matapos ang pagpapaliban ng 3 beses, ang pamahalaan ay tila handa na upang ipagtibay ang isang batas na lalaban sa terorismo. Inaasahang aaprubahan ito sa lalong madaling panahon.

"Maraming  problema ukol dito lalong higit sa mga militar na bahagi ng batas na ito – paliwanag ni Minister of Extrerior Affairs Paolo Gentiloni – ngunit alam ko na handa na ang lahat at ito ay malapit nang aprubahan sa Council of Ministries”.

Sa teksto ay nasasaad ang mas mabigat na parusa sa mga recruiters ng foreign fighters sa Italya, ang matyagan at ang i-suspinde ang pasaporte ng sinumang pinaghihinalaang nais na makipag-tulungan sa mga jihadists at ang mas epektibong paraan upang labanan ang proselytism,  paghahayag ng doktrina at ang pagsasanay sa sarili sa pamamagitan ng web.

Lalawak din ang coverage sa mga 007, maaari nilang panatilihin ang false identity hanggang sa paglilitis at maaari ring makausap ang mga nasa bilangguan.  

Kabilang sa mga itinakdang hakbang na napapaloob sa panukala ay nasasaad din ang mga imigrante na nais makipag tulungang labanan ang terorismo. Nasasaad dito ang pagbibigay ng Questura ng permit to stay sa lahat ng magbibigay ng impormasyon sa intelligence: tila isang pabuya upang mahikayat ang mahalagang source of information, na maaaring makarating sa mga lugar o impormasyon na nananatiling mahirap marating ng italian police.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Agevolazione contributi, sakop ba ang mga colf, caregivers at babysitters?

Apartment for sale, diskwento para lamang sa mga dayuhan, malaking isyu!