in

Personalized permit to stay para sa mga researchers, inaprubahan!

Isang dekreto ang inaprubahan ng Council of Ministries kung saan ginagawang mas madali ang pagpasok sa Italya para sa pag-aaral, pananaliksik at para maging volunteer sa mga dayuhan.

Isang personalized permit to stay ang magpapadali sa pagpasok at pananatili ng mga mag-aaral at mananaliksik sa Italya. Ito ang nasasaad sa inaprubahang dekreto kamakailan ng Council of Ministries sa pagsasabatas ng European Directtive 2016/801.

Ang dekreto, na ninais ng Council Presidency at ng MIUR, ayon sa isang nota ng Palazzo Chigi, ay may pangunahing layuning gawing mas simple ang proseso sa pagpasok at paninirahan sa Italya ng mga Third country nationals para mag-aral, mag-research, mag-intern, maging volunteer, para sa mga inter-cultural exchange, mga proyektong pang-edukasyon at au pair.

Ang nabanggit na dekreto ay inaasahang magbubukas ng pinto sa mga mamamayan ng Third countries sa Europa, at isang paraan para makahikayat sa innovations at researches at “maging mabilis din pati ang pagpasok sa loob ng Europa ng mga miyembro ng kanilang mga pamilya”.

Ito ay nangangahulugan na magtatalaga ng mga panuntunan para sa pagpasok at pananatili ng higit sa 90 araw, kasabay ang pagbaba ng administrative fees upang pahintulutan ang mabilis na sirkulasyon ng mga nabanggit at masigurado ang mga karapatang nakalaan sa kanila.

Ang mga probisyon ay ipagkakaloob din sa mga mag-aaral, mga boluntaryo at mga au pair.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pilipino, maari bang mag-aplay ng Asilo Politico sa Italya?

NO to permit to stay for humanitarian purposes, kung personal ang dahilan ng pag-alis sa sariling bansa