Ang pinakahihintay na BELEN sa St Peter’s Square sa Vatican ay nagpakita rin ng siyam na istatwang Pinoy
Ang CBCPNews, ang opisyal na tagapagbalita ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ay nag ulat na ang mga gawang Pinoy na istatwa ay kinumpleto ang inspirasyon ng kapanganakan sa kinasasabikang tradisyunal na Belen ng Banal na Pamilya sa Vatican.
Ito ay sa pakikipatulungan ng Governorate ng Vatican City, at ng Philippine Embassy to the Holy See sa pamumuno ni Ambassador Mercedes Tuason.
Sa kanyang mensahe, si Ambassador Tuason ay nagpasalamat sa Governorate ng Vatican City para sa pagbibigay sa Pilipinas ng isang espesyal na lugar sa sentro ng Roman Catholic Church sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo sa taong ito.
Idinagdag pa ni Ambassador Tuason na ang partisipasyong ito ay minarkahan ng isang espesyal na pagdiriwang sa ika-60 taong anibersaryo ng diplomatic relation sa pagitan ng Pilipinas at ng Holy See.
Ang Pilipinas ay ang unang bansa na nabigyan ng isang malaking bahagi sa belen sa Vatican, isang tradisyon na nagsimula noong 1982 sa ilalim ni Pope John Paul II.
Ang iskultor na Filipino, Kublai Ponce-Millan ang nag disenyo ng mga native statues na kumakatawan sa iba’t-ibang lahi ng Pilipinas sa isang maligayang pagdiriwang ng pananampalataya, musika, hapag at pamilya sa araw ng kapanganakan ni Hesus.
Ang isang istatwa ay naglalarawan ng isang pamilya na nasa isang bangka na humihila ng lambat na puno ng huli mula sa dagat.
Ang ibang istatwa ay imahen ng pagtugtog ng iba’t ibang katutubong instrumento.
Upang makumpleto, may ilang mga basket na puno ng iba’t ibang prutas, gulay, isda at mga shells, highlight ng isang masaganang ani mula sa lupa at sa dagat.
Ang kaakit-akit na nakangiting istatwang may bihis na makulay na katutubong kasuotan at tumutugtog ng mga instrumento ay naglalarawan sa isang masayang ispiritu ng Christmas celebration sa Pilipinas na kilala bilang “pinakamahabang at pinaka maligaya pagdiriwang sa mundo.”
Pinahalagahan naman ni Cardinal Giovanni Lajolo, presidente ng Governorate ng Vatican City, na kinikilalang espesyal ang kontribusyon ng Pilipinas. Ang pananampalataya ng mga Katolikong Filipino ay kanyang binanggit bilang pinakamalaking bansang Kristiyano sa Asya.
Si Cardinal Angelo Comastri, archpriest ng Basilika, ang nanguna sa panalangin. Isang awiting Pamasko naman ang hinandog ng Karilagan choir, pinaka kilalang Filipino Choir sa Roma.
Sa eksaktong 6:00 ng gabi, Sinindihan ni Pope Benedict XVI ang isang kandila para sa kapayapaan habang sinasaksihan ang pagtatanggal ng mga belo mula sa mga bintana ng papal apartments.
Sa kadiliman, ay kaniyang binasbasan ang maraming tao mula sa liwanag ng nag iisang kandila.