Tinatayang nasa 11, 8% ang populasyon ng mga migrante sa Lazio at inaasahan ang mabilis na pagtaas nito. Ayon sa ulat ng ‘Ang Lazio sa Mundo’.
Rome – Dumadami ang mga migrante sa Lazio, higit sa ibang bahagi ng bansa. Higit na mas bata at mas nag-anak kaysa sa mga Italians. Gayunpaman, ang patuloy na pagdami, ayon sa mga data, ay hindi nakaka-apekto sa pagtaas ng illegality.
Ayon ito sa ulat ng “Ang Lazio sa Mundo”. Imigrasyon at emigrasyon, na ginawa ng Centro Studi Idos ng Caritas/Migrantes sa pakikipagtulungan ng rehiyon ng Lazio na iniharap sa kahapon sa Rome. Noong 2009, ayon sa mga pag-aaral, mayroong 497,940 ang rehistradong migrante, 11, 8% ng kabuuang populasyon ng 565.000 ng bansa, kabilang ang 70,000 na mga migrante na naa-antala ang rehistrasyon sa paninirahan (residence) o naghihintay na makumpleto ang proseso ng aplikasyon.
Sa Lazio, ang taunang pagtaas sa bilang ng mga migrante, sa katapusan ng 2009, ay 10.6%, halos mas mataas ng dalawang porsyento kaysa sa national average. Ito ay mataas sa national average na sumasaklaw sa mga residenteng migrante (8.8% kumpara sa 7.0%). Sa mga pananaliksik ay napag-alaman na ang karamihan ng mga migrante ay hindi naghahangad na makarating ng ibang bansa ngunit nagnanais na manatili sa Italya, sa pagnanais na maging mas mahusay ang kinabukasan.
Ang mga migrante sa Roma, lumilipat sa mga probinsya at sa ibang bahagi ng bansa
Isang katangian ng probinsya (Romano-laziale)ang mapatakbo ito sa dalawang paraa;, ito ay umaakit sa mga bagong dating, may ilang nananatili at may ilang nagtutungo sa ibang bahagi ng Italya, at dahil dito ang gawain ng political migration ay mayroong dalawa at magkahalong hangarin, ang pagtanggap sa pansamantalang pananatili kaagapay ang pangmatagalang pagtanggap at pananatili.
Ang isa pang katotohanan na dapat isaalang-alang ay ang paninirahan sa mga kalapit bayan ng mga migrante, gayun din pati sa iba pang mga lalawigan ng Lazio, sa katunayan, sa Roma magmula 2002 hanggang 2009 ang mayroong paglago ng (86.7%) kumpara sa iba (sa Frosinone 221.6% 276.8% Rieti, Latina at Rieti 278.2% 300%).
Sa kabilang banda, lumilipat mula sa kabisera dahil sa ekonomikal na dahilan (mas mataas ang mga bilihin lalo na ang mga apartments) at kalidad ng buhay (mas nagbibigay-kasiyahan ang mga maliliit na bayan), habang ang kabisera ay palagiang point of reference para sa bureaucracy, culture, religion at trabaho.
Mga Pilipino, pangalawang sa pinaka malaking komunidad sa Lazio, mga Romanians, nangunguna
Ang karamihan ng mga migrante sa Lazio ay nagmula sa kontinente ng Europa (62%), nangunguna ang mga EU-nationals (48.3%). Ang 10.8% ay mula naman sa Africa, habang 17.8% ay nagmula sa Asya.
Ang Romanians (179,469 sa buong rehiyon) ay ang unang komunidad sa limang lalawigan ng Lazio. Sumunod ang mga Albanians (22,344) sa tatlong lalawigan (Frosinone, Rieti, Viterbo), pati na ang mga Indians sa Latina (11,708) at Pilipino sa Roma (29,746). Ang nagkukumpetensya para sa ikatlo at ika-apat na lugar sa rehiyon Lazio, ayon sa mga probinsiya, ang mga Moroccans (10,774), ang mga Ukrainians (17,142), ang Macedonians (6783) at Polish (23 826): tulad rin ng mga Pilipino ay karaniwang nasa Roma. Ang mga Pilipino ay ang pangalawang komunidad, kahit pa anim na beses na mas mababa kaysa sa mga Romanians.
Sa Lazio, halos two-thirds ng mga migrante ay Kristiyano. Ang mga Muslim ay 16.1% (kalahati kumpara sa buong bansa na may 31.9%), Hindus 2.5%, 4.2% Buddhists at ang nalalabi ay nagmula sa mas malilit na relihiyon.
Ang mga migrante ay karaniwang mas bata kaysa sa mga Italians. Ang mga kababaihan naman ay mas nag-aanak
Ang mga migrante, kung sa rehiyon ang pag-uusapan, ay mayroong average age na 33.1 taong gulang, mas mababa kumpara sa populasyon ng mga residente (average age na 43.1 taong gulang). Ang average na bilang ng mga anak ay mas mataas ang sa mga dayuhan kaysa sa mga Italyana, bagaman hindi ito katulad ng sa ibang mga rehiyon.
Ang mga dayuhang minors ay 86,457. Noong 2009 ay ipinanganak sa Lazio ang 6747 anak ng mga dayuhan (8, 7% ng kabuuang bilang sa bansa), dahilan ito ng pagtataas ng rateng tinatawag na “ikalawang henerasyon” sa 55,452, kung kaya’t tinatayang higit sa isang dayuhan sa bawat sampu ay ipinanganak sa rehiyon.
Sa Lazio, ang mga dayuhang mag-aaral sa mga paaralan para sa taong 2009-2010 ay 64,780 (7.9% ng kabuuang bilang, mas mataas ng bahagya kaysa sa national average ng 7.5%). 23,148 ng mga mag-aaral ay ipinanganak sa Italya, tinatayang 1 sa bawat 3 mag-aaral (35.7%), habang sa primaryang paaralan, isa sa bawat dalawang mag-aaral ay dayuhan (44.1%): ito ay nagpapahiwatig na sa mga paaralan, sa hinaharap, ay kapansin pansin ang epekto ng bagong henerasyon ng mga tatawaging ‘dayuhang italyano’ (stranieri italiani).
Entrepreneurial sa Lazio ng mga migrante
Ang Lazio ay ikalima sa Italya para sa numero ng mga kumpanyang pagmamay-ari ng mga banyaga. Noong 2003 ang mga kumpanyang ito ay 5488 lamang, sa kasalukuyan ay umabot na sa higit sa apat na beses (23,000 May 2010). Ang mga kababaihan ay nangunguna sa 1 / 5 kaso lamang. Ang mga ito ay karaniwang sa trade (44.4%), construction (27.9%) at serbisyong propesyonal (10.6%).
Sa remittance, ikalawa ang mga Pilipino sa Lazio
Ang mga remittances na ipinadala ng mga migrante sa kanilang sariling bansa mula sa Lazio ay nangunguna sa Italya (1,9 billion € ng higit sa 6,5 billion € ng bansa sa taong 2009). Pinangungunahan ito ng mga Chinese (€ 861,746) at ng mga Filipino (€ 485,938).
Integrasyon at seguridad
Ang pagdami sa bilang ng mga migrante ay hindi katumbas ng pagtaas ng illegality sa bansa. Ito ay tumutukoy sa kaso ng mga Romanians na katulad rin ng iba pang mga komunidad na may mataas na bilang (sa nakaraang tatlong taon ay higit 142.0%, sa Lazio sa kasalukuyan ang mga Romanians ay higit sa one-third ng populasyon ng mga dayuhan) na may pagbaba sa rehistradong mga reklamo laban sa kanila (13.7%).
Isang katulad na sitwasyon para rin sa mga Moldovan, sila rin ay may pagtaas ng 52.1%, kumpara sa bilang ng mga reklamo na bumaba ng 24.8%. Kabilang sa iba pang mga malaking komunidad, tulad ng mga Albanians, ang pagtaas sa mga reklamo ay mas mababa kaysa sa mga residente (1.2% kumpara sa 23.3%) at Intsik (32.0% kumpara sa 68.7%), habang iba naman para sa mga Egyptians (108.1% na pagtaas sa mga reklamo kumpara sa pagdami ng mga residente ng 40.9%), Moroccans (62.4% kumpara sa 32.0%) at Tunisians (41.9% kumpara sa 31.8%).