in

Pinag-aaralan ang bagong direct hire, ngunit tila hadlang ang bilang ng mga walang trabaho

Ang pagbubukas sa mga imigrante ay maaaring magdulot ng mga problema, dahil sa patuloy na pagdami ng mga imigrante na walang trabaho. Ngunit hindi tayo maaaring magsara” – Fornero.

Roma, Nov 20, 2012 – Ang pamahalaan ay kasalukuyang “pinag-aaralan” ang isang bagong “direct hire” (o decreto flussi) upang muling magbukas sa mga entries o quotas ng mga dayuhang manggagawa sa Italya, ngunit sa final decision ay magiging mabigat ang epekto ng bilang ng mga imigrante na walang trabaho.   

Ito ang mga bintiwanang salita ni Minister of Labor Elsa Fornero, sa isang panayam sa Trento sa isang pagdiriwang ng mga kabataan sa pangunguna ng Confindustria ng lungsod.  

Sa isang katanungan ukol sa imigrasyon at trabaho, ang naging kasagutan ng Minister ay “ang pagbubukas sa imigrasyon ay maaaring magdulot ng mga problema dahil sa patuloy na pagdami ng mga imigrante na walang trabaho. Dahil dito – ayon pa dito – ay pinag-aaralan namin ang isang bagong direct hiring.

 “Kung pagtutuunan ng pansin – ang dalawang Mediterranean shores ay hindi maaaring paghiwalayin. Ang imigrasyon ay maaaring maging isang malaking kontribusyon sa pag-unlad, hindi tayo maaaring magsara, ngunit dapat nating siguraduhin na ang mga taong ito ay magkaroon ng pagkakataon upang mag hanapbuhay at maging mga mamamayan”.

Ang huling pagpapapasok sa mga subordinate workers sa Italya ay noong nakaraang 2011, at ito ay pamamagitan ng pamahalaan ni Berlusconi. Halos 100,000 new entry quotas, at higit sa kalahati nito ay para sa mga bansang mayroong kasunduan sa Italya. 30,000 domestic workers lamang ang inilaan sa ibang bansa.

Para sa taong 2012, ay hindi inaprubahan ang direct hire sa ilalim ng pamumuno ni Monti, maliban lamang sa mga seasonal workers. Ito ay isang desisyon ayon sa mga eksperto ng Ministry of Labor at ng Interior, at binigyang katwiran sa Parliyamento ni Minister Fornero mismo dahil diumano sa mataas na bilang ng mga walang trabahong imigrante sa bansa.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MY LOVE STORY

Imigrante, hindi inaagawan ng trabaho ang mga Italians