Dinagsa ng daan-daang libong mga pilgrims ang beatification ni Pope John Paul II kahapon sa Vatican City. Kasama dumagsa ang mga Pilipinong nagbuhat pa sa iba’t-ibang parte ng mundo.
Bago ang araw ng beatification, nagsagawa muna ng isang emosyonal na prayer vigil sa Circo Massimo. Dito ay nasaksihan ng buong mundo ang Karilagan Singers na napili, grupo ng mga mang-aawit na ofws na naninirahan sa Roma, kasama ng isa pang choir mula sa Poland, upang umpisahan ang nasabing okasyon. Dinaluhan ito ng mahigit na 200,000 pilgrims.
Pinangunahan ni Pope Bendict XVI ang high mass na dinaluhan ng halos 40 opisyal ng buong mundo at pagkatapos nito ay nagbigay pugay naman si Pope Benedict XVI sa labi ni Pope John Paul II na hinukay noong Biyernes at inilagay sa Saint Peter’s Basilica.
Sa kanyang mensahe sa mga Katoliko sa buong mundo bago ang seremonya ng beatification ni Pope John Paul II, tinawag ni Pope Benedict ang linggong ito bilang “feast of faith”.
Naging handa naman ang Rome sa pagtanggap sa mga pilgrims. Mula sa pamimigay ng mga mineral waters at fresh fruits sa mga pilgrims sa iba’t ibang okasyon, sinugarado rin ng mga awtoridad ang kapakanan ng 62 delegations ng mga Pangulo ng iba’t ibang bansa para dumalosa pagdiriwang.
Samantala, patok din naman ang mga ginawang pagbebenta ng ilang Pinoy ng mga souvenir items sa Vatican City kasabay ng beatification ni Pope John Paul II kahapon. Kabilang sa mga ibinenta ng mga Pinoy pilgrims doon ang gam rosary, Bibliya, kalendaryo, mga specialty items na mugs, shirts at frames na may imahe ng Santo Papa.
Naging napakalapit ng mga Plipino sa puso ng yumaong na Pope John Paull II at ang araw ng kanyang beatification kahapon ay naging makahulugan sa bawat Pilipino sa iba’t ibang parte ng mundo.
{gallery}pope{/gallery}