Unang taon ng anibersaryo ng proyekto ng Ministry of Labor at Social Welfare. Magkakaroon rin ng newsletter sa iba’t ibang wika at isang short version sa wikang ingles.
Roma – Pebrero 19, 2013 – 800,000 pages, 12,000 services, 1,200 entities, higit sa 700 news at events published, 128 searches online, higit sa 3,000 emails at mga encounters sa mga associations at institutions, mamamahayag at mga mamamayan.
Ito ang bilang sa unang taong anibersaryo ng www.integrazionemigranti.gov.it, ang proyekto sa pakikipagtulungan ng European Fund for Integration at ipinatupad ng Ministry of Labor at Social welfare salamat sa kolaborasyon ng Ministries of Interior, of Education and Research, of Cooperation and Integration, of Health.
Online magmula noong Enero 17, 2013, ang Portale Integrazione ay nagbibigay ng direct access sa mga serbisyo para sa mga dayuhan at nagtataglay ng mga batas, pag-aaral, pagsusuri at mga gabay, nagbibigay din ng mahahalagang balita at pagdiriwang. Upang ilahad ang mga naging resulta sa loob ng isang taong serbisyo ay maaaring bisitahin ang inilathalang brochure.
Magagandang layunin sa hinaharap? “Dagdagan ang mga serbisyo, lawakan ang network, maabot ang higt pang mga imigrante”, tulad ng mababasa sa isang note. Ang mga pangunahing pagbabago sa matatagpuan online mula sa susunod na linggo, kasabay ng paglabas ng newsletter sa iba’t ibang wika at ang short version nito sa wikang ingles.