Malaki na ang posibilidad na makapag-trabaho at ma-empleyo agad ang mga dayuhang papasok sa Italya sa pamamagitan ng ricongiungimento familiare kahit hindi pa hawak ang permesso di soggiorno per motivi familiari.
Ito ang itinalaga ng Ministry of Labor, may pahintutlot ng ispettorato nazionale del lavoro, sa pamamagitan ng prot note n. 4079/2018. Upang mapatunayan ang regular na pananatili sa bansa ay sapat na ang request ng issuance ng permesso di soggiorno per motivi familiari o ang kilalang postal receipt matapos ipadala ang request.
Ang simplification process ng ministry ay batay sa norma ng Testu Unico (dlgs n. 286/1998). Partikular, sa artikulo 30, talata 2 na nagpapahintulot sa mga dayuhan, na mayroong permit to stay per motivi familiari, ang makapag-trabaho – subordinate man o self-employed, hanggang sa expiration date ng nasabing dokumento, na hindi na kakailanganin pa ang i-convert ito sa permesso di lavoro (subordinato o autonomo). Gayunpaman, bago ang releasing ng permit to stay ay hindi maaaring ma-empleyo, at hindi rin magkaroon ng sariling trabaho o self-employment.
Ngunit hindi nito sakop ang mga dayuhang nag-request ng releasing o renewal ng permesso di soggiorno per lavoro subordinato. Sa katunayan, ayun sa TU artikulo 5, talata 9-bis, habang naghihintay ng issuance o renewal, ay pansamantalang pinahihintulutang makapag-trabaho kung:
- Ang request ng releasing ay ginawa sa loob ng 8 araw mula sa pagpasok sa Italya o sa kaso ng renewal, bago ang expiration date ng dokumento;
- Ang aplikante ay may hawak na katibayan o ang postal receipt ng pagsusumite ng request sa post office.
Samakatwid, ang dayuhan ay maaaring magtrabaho habang naghihintay ng issuance ng permesso di soggiorno subordinato habang hindi naman maaaring mag-trabaho ang naghihintay ng issuance ng permesso di soggiorno per motivi familiari.
Ang pagkakaiba-ibang ito ay binigyang solusyon ng Ministry of Labor sa pamamagitan ng pagpapalawak ng aplikasyon ng art. 5, talata 9-bis (ang batas na nagpapahintulot na magtrabaho ang dayuhan na nasa Italya na naghihintay ng permesso di soggiorno subordinato) pati an rin sa mga dayuhang naghihintay ng issuance ng permesso di soggiorno per motivi familiari.
Kahit ang huling nabanggit ay maaari na ring makapag-trabaho, alinsunod sa iba pang mga obligasyon, sa pagkakaroon ng mga patunay ng regular na pananatili sa bansa at ang posibilidad na ma-empleyo sa pagkakaroon ng resibo o postal receipt bilang patunay ng aplikasyon ng permesso di soggiorno per motivi familiari.