Ang Assessor ng Imigrasyon na si Giorgio Silli: “Dapat iwasan sa mga susunod na taon ang patuloy na pagdami ng mga migrante“
Prato– “Bawasan ang pagpapadala ng mga migrante sa Prato“. Ito ang kahilingan sa Gobyerno sa pamamagitan ng isang dokumento na inaprubahan ng konseho ng munisipyo ng lungsod ng Toscana.
Ang inisyatiba ay sa pangangalaga ng Assessor on Immigration ng Munisipalidad ng Prato, Giorgio Silli, na nagsabing nakipag-ugnayan sa ibang pang mga lungsod at nakakuha na magandang mga resulta. Mula sa Rome, hanggang sa kaso ng Bolzano, kung saan ay nakatanggap ng halos ganap na pagpapahinto.”
“Sa aking palagay ang aming lungsod – ayon sa Assessor – ay nagbigay at patuloy na nagbibigay ng nararapat sa mga paksang tulad ng social commitment, trabaho, pagkakaisaat integrasyon. Dapat naming iwasan, sa susunod na dalawa o tatlong taon, ang madagdagan pa ang bilang nila. Maliban dito, maaaring pag-usapan ang integrasyon kung tama at sapat ang bilang ng mga ito.”