Sa Hulyo ang entrance test para mga quota course, samakatwid ang mga aplikasyon ay dapat isumite sa mga Konsulado nang mas maaga. Ang Ministeryo: "Kasalukuyan naming inaayos, ngunit ang petsa ay hindi pa nakatakda”.
Roma – Pebrero 27, 2013- Magsisimula ng mas maaga sa taong ito, ang pagpapatala sa mga unibersidad sa Italya ng mga banyagang mag-aaral na naninirahan sa kanilang sariling bansa. Ito ay dahil sa naging desisyon ng Ministro ng Edukasyon, Francesco Profumo na gawin nang mas maaga ang entrance exam ng mga quota course.
Hanggang sa kasalukuyan ang mga ‘exam’ ay laging ginagawa tuwing Setyembre, sapat na panahon lamang upang makarating sa Italya ang mga naghahangad na mag-aaral. Ayon sa sistema na ipinatutupad hanggang nakaraang taon, ang pre-enrollment sa mga Konsulado ay isinusumite tuwing Mayo hanggang Hunyo at lumalabas ang entry visa sa pagtatapos ng summer.
Si Profumo, gayunpaman, isa sa mga huling pinirmahan ay ang isang bagong timetable para sa mga exam para sa mga quotas course ng taong 2013-2014. Ang exam para makapasok sa Medicine at Dentistry ay nakatakda sa Hulyo 23, ang para sa Beterinaryo sa Hulyo 24, ang Arkitektura naman ay sa Hulyo 25. Katapusan ng summer naman, Set. 4, ang exam para sa mga propesyon sa kalusugan.
"Tamang isunod ang pamantayang sa Anglo-Saxon standard, sa scheduling ng Europa. At simula 2014 ang lahat ng mga exams na ito ay ililipat sa kalagitnaan ng Abril, ang panahon kung kailan ang buong Europa ay nagpapasiyang pumasok sa High School”, paliwanag ng Ministro. Samantala, ang mga mag-aaral ay may ilang araw lamang pagkatapos ng Maturità, upang maghanda para sa exam.
Sa bagong schedule ng mga exams ay mapipilitan ding baguhin ang pre-enrollment sa ibang bansa, at sisimulan ng mas maaga kaysa sa nakaraang taon.
Ang mga Ministries ng Education at Foreign Affairs ay sinimulan ang maselang proseso: ang mga unibersidad ay dapat tukuyin kung ilang mag-aaral ang maaaring tanggapin, ang mga ito ay magsusumite ng aplikasyon sa mga Konsulado na matapos ipadala ang aplikasyon sa mga unibersidad at tanggapin ang ‘ok’, ay magbibigay ng mga entry visa. Ngayong taon, para sa mga doktor, dentista, beterinaryo at arkitekto, ang lahat ay dapat na matapos sa buwan ng Hulyo.
"Malinaw na kailangang kumilos ng mas maaga kaysa sa nakaraan. Kasalukuyan namin inaayos kasama ang Farnesina, ngunit wala pang nakatakdang petsa”, paliwanag mula sa Viale Trastevere. Gayunpaman, ang countdown ay nagsimula na. Karagdagang update ay kinakailangan sa lalong madaling panahon.