in

Pre-enrollment para sa school year 2016-2017, simula na

Simula na ang pre-enrollment o ang registration para sa mga unang grado sa elementarya, media at superiori para sa taong 2016 – 2017. Nananatili ang karapatan sa edukasyon ng mga anak ng undocumented.

 

Roma, Enero 15, 2016 – Simula na ng online registration o pre-enrollment para sa mga unang grado: sa mababang paaralan o primaryo (elementarya), sekundaryo ng mababang paaralan (junior high school o medie) at mataas na paaralan (superiori) para sa school year 2016 – 2017. Ito ay balido rin para sa mga vocational courses ng mga Regional schools na lumahok dito.

Kahit sa taong ito, sa mga nabanggit na antas, ay gagawin ang online enrollment sa pamamagitan ng website ng Ministry of Education https://iscrizioni.pubblica.istruzione.it. Para sa mga private schools (paritarie), ang online enrollment ay opsyonal samantala para sa Kindergarden o scuola materna, ang enrollment ay nagpapatuloy sa tradisyunal na paraan o sa pamamagitan ng forms na papel.

Simula ngayong araw na ito ay maaaring mag-register online o ang pre-enrollment ang lahat ng mga magulang, Italyano man o dayuhan, para sa susunod na school year. Ito ay isang hakbang na magpapahintulot magkaroon ng user name (nome utente) at password. Samantala, ang pagpi-fill up ng enrollment form at pagpapadala nito online ay magsisimula ng 8:00 am sa January 22 hanggang 8:00 pm ng February 22, 2016.

Sundan dito ang buong pamamaraan. 

Ang mga dayuhang regular o documented ay gagawin ang registration online sa website https://iscrizioni.pubblica.istruzione.it, tulad ng mga Italyanong magulang. Kung ang anak ay wala pang fiscal code o codice fiscale, dahil kadarating pa lamang sa Italya, ang sistema ay awtomatikong magbibigay ng pansamantalang fiscal code na magpapahintulot upang matapos ang registration.

Samantala, ang proseso ay nag-iiba kung ang magulang ay undocumented. Nananatiling obligasyon ng magulang ang pag-aralin ang mga anak ngunit ang enrollment ay gagawin direkta sa paaralang napili ng magulang, sa tulong ng isang staff nito. Hindi ito dapat ikatakot dahil ang paaralan, tulad ng ospital, ay hindi magre-report ng anumang sitwasyon sa pulis dahil ang karapatan sa edukasyon ay higit na mahalaga kaysa sa pagtugis sa irregular immigration.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ius soli sports, aprubado!

Mga Pilipino, nakiisa sa pagdiriwang ng World Day for Migrants and Refugees