in

Pre-enrollment sa mga Embassies at Konsulado, hanggang June 21

Ang mga aplikasyon ay isusumite sa Italian Embassy o Consulate sa sariling bansa ay nakatakda hanggang June 21. Matatagpuan naman online ang bilang ng mga mag-aaral na maaaring tanggapin sa mga unibersidad. Ang mga duktor, dentista, beterinaryo at arkitekto ay nakatakdang darating sa bansang Italya sa Hulyo, sapat na panahon para sa entrance exam.

Roma, Mayo 15, 2013 – Hanggang sa June 21, ang mga naghahangad na mag-aral sa Italya ay maaaring magpatala sa mga Italian Embassies at Consulates sa kanilang sariling mga bansa. Ngunit bago ito, ay kailangang pumili muna ng papasukang unibersidad sa pamamagitan ng website ang mga mag-aaral na magbubuhat sa mga unibersidad at mga institusyon ng mataas na pagsasanay sa sining, musika at sayaw mula sa ibang bansa. Sa parehong website ay matatagpuan din ang mga tagubilin at mga form.

Sa katunayan, ay maituturing na pagdo-doble ng mga petsa ang mga pagbabago ngayong taon. Para sa mga nangangarap na maging doktor, dentista, arkitekto at beterinaryo. ang Italian language test ay nakatalaga sa Hulyo 22, at ang entrance exam test para sa respective courses ay nakatakda sa July 23, 24 at 25. Ito ay upang matiyak na ang lahat ay nakapasok na sa bansang Italya sa mga petsang nabanggit, at ang mga Embahada ay kailangang naipagkaloob na ang mga entry visa sa pagsapit ng July 15.

Mas mahabang panahon naman para sa mga mag-aaral ng ibang kurso o para sa mga pumili ng mga Academy at Conservatory. Ang Italian language test at nakatakda sa Sept 3 at ang mga entry visa para sa Italya ay kailangang i-release sa katapusan ng Agosto. Sapat na panahon, maging para sa mga pumili ng Health Care Professions tulad ng nursing, midwifery, physical therapy at iba pa at kailangang sumailalim sa entrance exam na nakatakda sa Sept 14.

Ang mga unibersidad sa Italya, gayunpaman, ay nananatiling hindi kaakit-akit. Ang mga dayuhang mag-aaral, sa katunayan, ay tinatayang 3.8% lamang ng mga mag-aaral, kumpara ng EU average na 8, 6% at ang pinakamataas na 10.7% sa Germany at 21.6% sa United Kingdom. Ang nasabing sitwasyon, ayon sa isang pag-aaral ng European Migration Network Italy, ay dahil sa kahirapan sa releasing at renewal ng mga permit to stay, nananatiling isang kumplikadong mekanismo ang pagkilala ng mga kwalipikasyon buhat sa sariling mga bansa, mga masisikip na matitirahan sa mga unibersidad at kakulangan ng mga scholarship at kurso sa wikang ingles.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Binatang tumalon sa bintana, patay

UNIBERSIDAD – June 7, deadline ng registration online para sa entrance exam