in

Pre-enrollment sa mga unibersidad sa Italya, simula na sa mga Italian embassies

Hanggang Hunyo 29 ang mga aplikasyon sa mga Italian embassies/consulates. Matatagpuan online ang availability ng bawat kurso.

altRoma, Mayo 30, 2012 – Simula na ang ‘paligsahan’ ng mga dayuhang mag-aaral na residente HINDI sa bansang Italya at nagnanais na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa unibersidad, konserbatoryo o akademyang Italyano.

Hanggang sa June 29, ang mga naghahangad na mag-aaral sa Italya ay dapat magsumite ng aplikasyon sa Italian embassy sa sariling bansa para sa schoal year 2012/2013. Ang procedure na ito, dapat tandaan, ay para sa mga kabataang naninirahan sa sariling bansa, dahil ang mga kabataang dayuhan na regular sa Italya, tulad ng mga EU nationals, ay maaaring magpatala sa mga unibersidad,  na may parehong alituntunin tulad ng mga Italians.

Ang bawat unibersidad ay naglaan ng available numbers para sa pre-enrollment sa labas ng Italya. Bago isumite ang aplikasyon ay ipinapayo na konsultahin online ang database ng mga unibersidad at ng mga istituzioni di alta formazione artistica, musicale e coreutica upang malaman ang main office at mga kursong ipinagkakaloob. Sa website ng mga unibersidad ay maaaring maglathala ng mga karagdagang impormasyon.

Ang pre-enrollment ay ang unang hakbang lamang.

Ang mga consulates/embassies ay ibibigay ang mga aplikasyon sa mga unibersidad at sa simula ng buwan ng Agosto ay ilalathala ang mga impormasyon para sa entrance exam, kabilang ang italian language, obbligatory para sa lahat maliban na lamang sa iilang exemptions na naka-schedule sa Sept 3, pati ang mga quota course.

Para sa mga aplikante ay ibibigay bago sumapit ang Aug 24 ang entry visa sa Italya. Ang sinumang papasa sa pagsubok ang tuluyang matatala at mananatili sa Italya at magkakaroon ng permit to stay para sa pag-aaral.

Pamantayan para sa mga banyagang mag-aaral ng tatlong taong kurso sa unibersidad 2011-2014

Application form

Calendario per le procedure per le immatricolazioni a.a. 2012-2013 nelle Università italiane e nelle Istituzioni di Alta Formazione Artistica, Musicale e Coreutica (AFAM)

Contingente riservato all’anno accademico 2012-2013 nelle Università italiane e nelle Istituzioni di Alta Formazione Artistica, Musicale e Coreutica (AFAM)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

30% ng mga kabataang imigrante ay hindi nag-aaral at hindi rin nagta-trabaho

“Chi nasce qui è di qui”, appello all’Europa per la cittadinanza delle seconde generazioni