in

Pre-enrollment sa mga unibersidad, tinatanggap na ng mga Embahada

Simula na ang pre-enrollment para sa mga nagnanais maging Freshmen sa universities, academies at conservatories sa Italya. Sa katapusan ng Agosto ang mga entry visa at sa Septyembre naman ang mga entrance exams.

 

 

 

 


Roma – Abril 20, 2015 – Patuloy ang panghihikayat ng Italya sa mga mahuhusay na kabataan at muling binubuksan ang bansa sa mga mag-aaral na dayuhan na nais pumasok sa universities, academies at conservatories sa Italya.

Sinimulan noong April 16 ang pre-enrollment para sa school year 2015/2016 sa mga Embahada/Konsulado ng Italya sa buong mundo. Ito ay isang proseso na nakalaan lamang sa mga kabataang non-EU nationals na naninirahan sa kanilang bansa dahil ang mga dayuhang regular na naninirahan sa Italya ay maaaring magpatala sa mga unibersidad sa parehong paraan ng mga Italians at Europeans.

Ang unang bagay na dapat gawin upang makapag-aral sa Italya ay ang mag-pasya kung ano ang kurso at saan nais mag-aral. Ang mga unibersidad at mga Institutes of High Training in Art and Music (AFAM) ay naglaan ng mga angkop na bilang na nakalaan para sa mga dayuhang mag-aaral buhat sa ibang bansa para sa kanilang mga kurso. Matapos ang mag-desisyon, ay maaaring isumite ang pre-enrollment form sa Embahada o Konsulado ng Italya sa sariling bansa, hanggang Hulyo 10.

Ang mga Embahada/Konsulado ang magpapadala ng mga pre-enrollment forms sa napiling unibersidad at hanggang Agosto 24 ay ibibigay ang entry visa sa mag-aaral upang makapasok ng Italya at kumuha ng entrance exam. Anong exams? Ang Italian language exam ay nakatakda sa Sept 3 at obligado sa halos lahat ng mag-aaral at kurso. At ang entrance exam kung ang napiling kurso ay isang quota course.

Sa sinumang papasa sa mga exams ang maaaring ganap na makapag-patala sa unibersidad at maaaring manatili sa Italya, sa pamamagitan ng permesso di studio per motivi di studio. Sa website ng Ministry of University “Study in Italy”, ay matatagpuan ang mga impormasyong kinakailangan tulad ng:

–          Limitasyon sa bilang ng mga kurso

–          Gabay sa buong proseso

–          Kalendaryo o ang mahahalagang petsa

–          Application forms  

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Torture, malapit ng maging isang krimen

Sakay ng lumubog na barko, higit sa 700 migrante