Sa isinulong na teksto sa Parliamento ng Legge di Bilancio 2017 ay may pantay na pagtingin at walang pagkakaiba sa pagitan ng mga Italians at mga dayuhan. Nasasaad ang 800 euros para sa lahat ng future Moms, bukod pa sa bonus bebè at ang 1000 euros kada taon para bayaran naman ang nursery fees.
Nobyembre 9, 2016 – Ang mga future parents ay pantay-pantay lahat, at sa pagkakataong ito kahit sa batas, ang legge di Bilancio. Ang bagong tulong pinansyal para sa mga pamilya na ipatutupad sa taong 2017 ay walang anumang pagkakaiba sa pagitan ng Italians at imigrante.
Ang “premio alla nascita” na nagkakahalaga mula 800 euros ay maaaring i-request ng mga future Moms sa Inps sa pagsapit ng ika-pitong buwan ng pagbubuntis o sa pag-aampon. Sa panukala na isinulong ng gobyerno ay walang binanggit na requirement batay sa sahod, hindi rin binanggit na required citizenship at walang anumang binanggit sa maaaring pagbibigay ng restriksyon sa mga future beneficiaries.
Ang ‘premio alla nascita’ ay maaaring hilingin ng lahat ng mga pamilya, anuman ang nasyunalidad nito, sa kundisyong may bagong sanggol na isisilang. Hindi katulad ng bonus bebè (na kumpirmado rin maging sa susunod na taon), bagaman tinanggihan ng maraming hukuman, ay inilaan lamang ng gobyerno at Parliaymento sa mga imigrante na mayroong carta di soggiorno.
Maging ang “buono nido” na nagkakahalagang mula 1000 euros kada taon ay hindi rin isasaalang-alang ang pasaporte ng magulang ng mga ipinanganak mula 2016. Ito ay maaaring i-aplay sa Inps at layunin nito ang maging pambayad ng pamilya sa mga pribado at publikong nursery. Inaasahan ang paglabas ng isang dekreto ng Pangulo ng Konseho upang italaga ang mga detalye sa proseso nito. Inaasahang hindi magiging posible ang paglalagay ng restriksyon sa benepisyo kung ito ay hindi nasasaad sa batas na nagpapatupad nito.
Gayunpaman, hindi maaaring i-deduct sa buwis ang nursery fees ng sinumang tatanggap ng buono nido. Hindi rin maaaring tumanggap ng ‘voucher‘ para sa asilo nido at mga babysitter (na nagkakahalaga mula 600 euros kada buwan sa loob ng anim na buwan para sa mga empleydao at 3 buwan naman para sa mga self-employed) na ibinibigay sa mga Nanay na tinanggihan ang non obligatory parental leave. Ang voucher ay pinondohan rin ng legge di Bilancio 2017 hanggang sa susunod na dalawang taon.