Simula noong Agosto 1, 2022 ay aktibo ang bagong online booking system para sa mga appointment ng permesso di soggiorno na hindi nangangailangan ng pagpapadala ng postal kit. Ito ay ang “PrenotaFacile”, na nagbibigay-daan upang mapabilis ang proseso at maiwasan ang mahabang panahon ng paghihintay.
Partikular, ang mga appointment ay para sa mga sumusunod na uri ng permesso di soggiorno:
- Conversion mula protezione sussidiaria/umanitaria sa lavoro subordinato/autonomo;
- Renewal/duplicate ng electronic permesso di soggiorno per protezione sussidiaria e protezione speciale;
- Permesso di soggiorno per “Rishiesta Asilo”;
- First releasing ng permesso di soggiorno a seguito di decisione positiva della Commissione Territoriale o del Tribunale;
- Permesso di soggiorno per attesa ricorso pendente ex art. 35 D.Lgs 25/2008;
- Travel document o documento di viaggio per rifugiati/apolidi e titolo di viaggio per stranieri;
- Issuance/renewal/duplicate ng permesso di soggiorno per “cure mediche” (art. 19 co.2 lett.d-bis D. Lgs 286/98);
- Issuance/renewal/duplicate ng permesso di soggiorno per gravidanza;
- Issuance/renewal/duplicate ng permesso di soggiorno per “assistenza minori” (art. 31 comma 3 D.L.gs 286/98);
- Issuance/update/duplicate ng Carta di Soggiorno per familiari cittadino comunitario non aventi la cittadinanza di uno Stato Membro UE (art. 10 D.Lgs 30/2007);
- Issuance/update/duplicate ng Carta di Soggiorno Permanente per familiari cittadino comunitario non aventi la cittadinanza di uno Stato Membro UE (art. 17 D.Lgs 30/2007);
Para sa mga nabanggit na uri ng permesso di soggiorno, ang booking ay gagawin sa pamamagitan ng https://proleggiofacile.poliziadistato.it. Matapos ang access sa website, ay makikita ang mga araw at iba’t ibang oras na mapagpipilian, pati na rin ang mga dokumentasyon na kailangang ihanda. Ang sistema ay magpapahintulot na i-print ang resibo ng booking na may barcode at QR code.
Simula August 16, 2022 ay hindi na pahihintulutan ang ibang paraan ng booking maliban sa online booking.
Para sa lahat ng mga uri ng permesso di soggiorno na hindi nabanggit, ay nananatili ang pamamaraang kasakuluyang ginagamit.