European Travel Information and Authorisation System (ETIAS) ang online application at preventive measures bago pa man ang pagdating sa Schengen areas. Narito kung paano ito ipatutupad.
Roma, Nobyembre 16, 2016 – Precautionary measures of controls, awtorisasyon at five euros bilang kabayaran. Ito ang naghihintay sa mga non-EU travelers na sa kasalukuyan ay hindi nangangailangan ng entry visa sa pagpasok sa Europa, kung kanino nais ng EU na “paigtingin ang mga pagsusuri upang maiwasan ang panganib sa irregular migration, sa seguridad at sa kalusugan”.
Isang panukala sa European Commission ang pagtatatag ng European Travel Information and Authorisation System (ETIAS) para sa mga dayuhang visa-free sa Europa. Bago pa man pumasok sa Schengen area ay kailangang magsumite ng aplikasyon online sa pamamagitan ng mga mahahalagang detalye tulad ng personal na datos, pasaporte, destinasyon, educational attainment, employment background, deportation, contagious disease, anumang biyahe sa bansang may digmaan.
Ang application ay maaaring tapusin sa loob lamang ng sampung minuto at maaaring mula 18 anyos pataas ay hingan ng 5 euros. Matapos itong ipadala ay ipo-proseso ng isang software na magsusuri sa European database (SIS, VIS, Europol, Interpol, ang entry / exit system, Eurodac, ECRIS …) at kung walang lalabas na anumang hadlang na mangangailangan ng mas malalim na pagsusuri, makalipas ang ilang minuto ay ibibigay sa pamamagitan ng email ang awtorisasyon.
“Isang simple, mura at mabilis na proseso”, ayon sa Commisssion sa isang pahayag. Ang dayuhan ay kailangang ipakita ang awtorisasyon sa sinumang magdadala sa dayuhan sa Schengen area, halimbawa ang airline company at sa European frontier police pagdating sa bansang pupuntahan. Sapat na ang mag-aplay at magkaroon nito ng isang beses na magagamit sa ilang pagbibiyahe, na balido sa loob ng limang taon.
Sa kasalukuyan, ang mga mamamayan ng halos 60 non-EU countries ay hindi nangangailangan ng entry visa sa pagpasok sa Schengen area. Ang ilan sa mga ito ay ang mga pangunahing komunidad din sa Italya tulad ng Albania, Moldava o Peru habang naghihintay naman ang Ucrainian sa huling aprubasyon para sa exemption.
“Ang gawing secured ang mga frontier at proteksyunan ang mga mamamayan ay ang aming priyoridad. Pupunan ng ETIAS ang kakulangan sa impormasyon, sa pamamagitan ng mas malalim na pagsusuri nito ukol sa mga aplikante na visa-free sa lahat ng sistema na mayroon ang Commission. Kaugnay nito, ang ETIAS ay simple, mabilis, mura at epektibo, “ayon kay Vice-President Frans Timmermans.
Para kay Commissioner for Migration and Home Affairs Dimitris Avramopoulos, “ang ETIAS ay ang missing link sa pamamahala ng mga frontiers, na lumilikha ng connection sa politika ng migrasyon, seguridad at pagpapatatag sa 95%r egular entries ng Schengen na free-visa travelers. Ang Europa ay kailangang maging bukas, ngunit hindi kaligtasan ang magiging kapalit nito”.