Iniwan ni Guido Bertolaso, pagkatapos ng halos sampung taong pamumuno ang civil protection, ito ay isang organisasyon na nag-aayos ng prevention at mga emergencies.
Sa mga nagdaang taon, ang Civil Protection ang siyang gumawa ng mga aksyon upang magtapon ng basura sa Campania, nag ayos ng mga tulong at sa reconstruction matapos ang lindol sa Abruzzo.
Samantala, pinahawakan din sa kanya ang mga “malalaking pagtitipon”, kung saan pinadali ang mga regolamento at batas, binawasan din ang kontrol sa paggamit ng pampublikong pondo. Kabilang dito ang mga ‘di pangkaraniwang okasyon, tulad ng libing ni Pope John Paul II, ang world swimming competition at iba pang summit international.
Dahil sa pamamahala sa mga pangunahing kaganapan, si Bertolaso ay pinaimbestigahan sa pagpapahawak diumano ng mga kontrata sa mga kaibigang negosyante kapalit ang ibang pabor.
Ang bagong pangulo ng Civil Protection, si Franco Gabrielli, sa kasamaang-palad ay biglaang naharap sa malaking baha na nagwasak ng Veneto region sa unang bahagi ng Nobyembre.