Sa isang interview sa VP ng Special Committee, ‘200%’ buhat sa Brescia at anak ng Egyptian: "Ang reporma ng pagkamamamayan ay napakahalaga, hindi namin maaaring iwanan ang mga kabataang ito sa nakaraan. Ang M5S ay buksan din maging sa mga dayuhan "
Rome – Mayo 2, 2013 – Girgis Sorial, 29 anyos, miyembro ng M5S, ay tila isang sorpresa. Isa sa mga bagong Italyano o new Italian sa Parliament (bagaman hindi niya gusto ang salitang ito), kasama nina Kyenge at Chaouk: "200% Bresciano”, ipinanganak at lumaki sa lungsod ng Lombardy at anak ng Egyptian.
Siya ay isang computer engineer, may master degree sa business administration, isang management consultant bilang propesyon at isang propesor sa mataas na paaralan bilang pasyon. Mula sa kanyang personal at propesyunal na istorya, ay marahil nanggaling ang pangako ng “solusyon sa pagtatanggol sa mga karapatan ng lahat ng mga kabataan” at ng “mga kabataan ng ikalawang henerasyon” na binitawan sa panahon ng parlamentarie online ng partido. Pati na rin ang kanyang gawain bilang isang volunteer ng Unicef, kung saan noong nakaraang Nobyembre sa theatre ng kanyang bayan ay iginawad ang honorary citizenship sa mga anak ng mga imigrante.
Sa kasalukuyan, ay Vice-Chairman ng Special Committee sa Kamara, "habang hinihintay na matatag ng opisyal ang mga komisyon, na hinadlangan ng mga partido," at sa dibisyon na ginawa ng M5S ay sa kanya itinalaga ang budget committee. Nahalal sa Montecitorio makalipas ang isang taong serbisyo sa Meet up ng Brescia at naging kandidato rin sa Regional election. “Aktibo bilang mamamayan, at hindi bilang politiko,” ang kanyang binibigyang-diin.
Sa Stranieriinitalia.it ay nagsalita ukol sa pagkamamamayan at imigrasyon, mga tema kung saan tila ang M5S ay hindi malinaw. “Hindi naman – ngunit pansamantala, pakiusap, huwag kaming tawaging new Italians. Kami ay mga totoong Italyano, buong-buo. Ngayon ang paniniwala sa salitang Italyano ay malabo, mayroong matagal nang nasa Italya at mayroon namang dumadating mula sa iba't ibang kultura na mahalagang bahagi rin ng bansang ito.”
Ngunit, tatanggapin mo ba ang “bagong Italya”, binubuo ng mga kultura na hanggang noong nakaraang taon ay tila malayo…
“Totoo, ngunit ako ay isang 200% Bresciano, maging kahit sa pagkain: makalipas ang ilang araw ng pananatili sa Roma ay hinahanap ko na ang polenta. Patuloy ang aking pagkakaroon ng koneksyon sa Egypt, ngunit kabaligtaran sa ilang kabataang anak ng mga imigrante na sa pag-uwi sa bansa ng kanilang mga magulang ay pawang mga dayuhan. Sa aking pagtuturo ay marami ang aking naging karanasan. Dahil dito ang tema ng citizenship ay dapat harapin, kailangan ng isang reporma at isang pagninilay sa sino tayo ngayon bilang mga italians”.
Personal na posisyon o buhat sa M5S?
“Personal at buhat sa partido. Isa sa aming maraming motto ay “Walang dapat maiwan”. Kung nais nating dalhin sa Parliyamento ang boses ng mahihina na ang mga karapatan ay ipinagkait, ay hindi maaaring hindi suportahan ang karapatan ng citizenship ng ikalawang henerasyon. Mga kabataang ganap na Italyano na dapat hintayin ang ika-18 taong gulang upang maging italyano ayon sa batas, at pansamantalang mga second class citizen. Lahat ng ito ay tila walang kabuluhan.
Maaari mo bang ipaliwanag kung bakit sinabi ni Beppe Grillo na ang reporma ng pagkamamamayan ay "walang kabuluhan"?
"Sa mga salitang iyon ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ilang partido ang tinuligsa sa kabila ng pagkakaroon ng kakayahang magbigay ng kanilang mga direksyon, ginamit ang tema para sa pangangampanya. Hindi ako nakakita ng konkretong mga panukala mula sa mga partido ukol sa isyung ito, mga panukala na bandang huli ay naiwang nakatago lamang. "
Maraming ang mga panukalang natanggap. Sinubukan ng gobyerno ni Prodi bago bumagsak, sa ilalim naman ng gobyerno ni Berlusconi ay ang buhat sa centre-left at ang Sarubbi-Granata, ang iba naman sa huling lehislatura. Ngunit walang sapat na numero ng boto upang isulong. Bakit hindi ang mga ito magbunga?
"Kung mayroong tinatawag na political interest ay maaaring natapos na ito. Ang mga partido ay mga mahusay sa pakikipag-kasundo at sa paghahanap ng mayorya kapag nais nila ang kanilang ginagawa. Ang totoong ‘kontra’ sa reporma ng citizenship ay ang Lega Nord, na para sa akin ay mahirap malampasan”.
Sa ikalilinaw ng lahat, ang reporma ng pagkamamamayan ay makabuluhan o hindi?
"Ito ay mahalaga. Muli inuulit ko: Hindi natin maaaring iwanan ang mga kabataang ito sa nakaraan, dahil ang Italya ay maaaring yumaman sa pamamagitan ng kanilang mga kontribusyon. Ang isyung lumabas sa blog ni Beppe Grillo ay ukol sa paggamit sa tema”.
Bakit wala ni isang salita ng pagkamamamayan o imigrasyon sa iyong programa? Dahil ang mga ito ay hindi mahalaga? O ang mga ito ay tila hadlang upang makakuha ng consensus?
"Ang mga ito ay isyung mahahalaga at ang mga temang tila hadlang ay marami, tulad ng referendum sa pananatili ng euro. Ang 20 puntos ng aming programa ay mayroong mga priorities, kung ano ang dapat gawin sa lalong madaling panahon para sa mga naninirahan sa Italya. Sa programa ay hinid nabanggit pati ang health, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi mahalaga bilang tema. Kami ay kikilos ukol sa mahahalagang tema para sa bansa, at kabilang dito ang imigrasyon”.
Nabanggit mo ang second class citizen. Ayon sa inyong “Non Statuto”, ay maaaring magpatala lamang ang mga italyano. Hindi ba ito isang diskriminasyon?
"Ito ay isang bagay na dapat na malampasan, dahil ang partido ay bukas para sa lahat, mga Italyano at dayuhan. Tila isang nakasanayan ng Non Statuto, ngunit sa likod ng lahat ng ito ay walang halong diskriminasyon. Ang ideya ay ang bawat nakatala ay maaaring maghangad ng posisyon at samakatwid ay inilagay ang pangangailangan sa citizenship. Sa ngayon ay nanganganib na di matanggap ang maraming mga dayuhang aktibo na para sa akin ay di makatwiran. Ito ay aming pag-uusapan.
Ngunit kung pagsasama-samahin ang mga ‘nakasanayan’ tulad nito, ang kawalan ng tema sa programa, ilang mga komento sa forum at mga binitawang salita ni Grillo, tulad ng pagiging labag sa free circulation ng mga Romanians, ay malamang na tawagin din kayong taga-Lega?
"Hindi, pakiusap, huwag taga-Lega. Kami ay lubhang malayo. Ako na buhat sa Brescia at kilala kong mabuti ang Lega Nord. Madalas kong nakalaban ang kanilang mga miyembro, ako ay kanilang kinutya dahil sa aking pisikal na katangian, tinawag na "Negro" o sinabihang “bumalik sa iyong bansa. "Sa pagsasaalang-alang sa mga bagay na isinusulat ni Beppe Grillo, hindi lahat ng mga iyon ay bahagi ng pananaw ng partido."
Sa tingin mo ba ang 5 M5S sa temang ito ay nagkakaisa? O kanya-kanya ayon sa sariling pananaw?
"Naniniwala ako na kami ay talagang nagkakaisa sa pagtatanggol sa mga mahihina at kabilang sa mga ito ang mga taong buhat sa ibang bansa kasama ang mga anak upang mag-trabaho. Dahil dito, kami ay para sa reporma ng citizenship, kontra sa batas ng Bossi-Fini, isang batas sa mga ipinanganak, labag sa huwad na kabaitan at sa mga wala sa katwiran. "
Ilang araw ang nakakalipas, ang ilang partido ay nagsumite ng labinlimang mga panukala para sa reporma ng pagkamamamayan. Handa ba kayo upang suportahan ang mga ito?
"Wala kaming tatalikurang ideologies ukol sa iba't-ibang mga panukala. Ang aming pamamaraan ay suriin ang mga ito, nang walang kinikilingan, upang timbangin ang mga pro at anti at pagkatapos ay ang magdesisyon. Mayroon akong mga naka-usap buhat sa PD ukol sa mga temang may pagkakasunduan. Kailangan na ang mabuo ang mga committee upang masimulan ang aming tungkulin, dahil sa ngayon malaking bahagi ng Parliyamento ang walang ginagawa, at ang Italya ay hindi dapat pahintulutang huminto kahit sandali lamang.