Inamin ng dating ministro: “Ito’y aming bahagyang ipinaglaban, isang pag-uugali na nagkaloob sa amin ng boto”.
Roma, Marso 23, 2012 – Ang pagiging rasismo ay hiningi ng pagkakataon. Salita mula sa isang leghista o taga-Lega Nord na dating ministro ng Interior.
Kalahatian ng Marso, si Roberto Maroni ay nagtungo ng Varese para sa isang lecture ng political communication sa mga mag-aaral ng Insubria University. Sa kanyang pagsagot sa naging barilan sa Borghezio, maging ng kanyang mga kasamahan, ay sinabing ang Lega Nord, sa simula ay pinaghinalaang isang kilusan “xenophobic at rasista”, laban sa southerners, at laban din sa mga imigrante.
Ito ay isang “mensahe na hindi ko sinasang-ayunan,” ayon pa sa isang taga-Lega, ngunit sa paglaon ay napilitang ilabas ang kanyang mga baraha. Matapos sa pagtanggi at pagdistansya, ay inaming: Ito’y aming bahagyang ipinaglaban, ng aming matuklasan na ang ganitong pag-uugali ay magdadala sa amin ng mga boto”.
Ang kaswal na pag-amin ng mga bagay na malinaw pa sa sikat ng araw, ay tila naka-epekto pa rin. Dahil maging ang dating ministro ng Interno ay alam na ang pagiging isang rasista ay isang krimen, samakatwid ang pag-aming “oo kami ay bahagyang naging mga rasista”, ay halos pag-amin rin ng: “oo kami ay bahagyang nagnakaw”. Mayroong limitasyon sa pagharap sa tunay na politika o maging sa pagpanalo sa eleksyon ay pinahihintulutan ang lahat ng paraan?