“Upang mahikayat ang mga new talents na nagnanais pumasok sa ating bansa”
Firenze, Nob 12, 2012 – Para rin mahikayat ang mga youth sa Italya “malahagang baguhin ang batas Bossi-Fini sa imigrasyon”.
Ito ang mga binitawang salita ng alkalde ng Firenze na si, Matteo Renzi, sa pagpirma ng protocol agreement sa pagitan ng Comune di Firenze at Tianjiin University.
“Tamang huwag nating pahintulutan ang pag-alis ng mga ‘brains’, ngunit dapat din ay alam natin kung paano hikayatin ang mga new brains and talents”, dagdag pa ni Renzi, at mahalagang baguhin ang Bossi-Fini law ukol sa imigrasyon, lalong higit para sa mga new talents na nagnanais pumasok ng bansang Italya”.