in

“Ngayon ang tamang panahon upang maging Italyano” – Liham ng mga mayor para sa ikalawang henerasyon!

Isang liham para sa mga ipinanganak at lumaki sa Italya at may isang taon lamang para mag-aplay ng citizenship. Umpisa ng bagong kampanya  “18 anni …. In Comune!”,  mayroon ding isang gabay online.

altRome – Mayroong humigit-kumulang na 15,000 mga kabataang may edad na labimpito hanggang labing-walo, ipinanganak sa Italya na buhat sa banyagang magulang at potensyal na bahagi sa taong  2012 ng kampanyang “18 anni… in Comune!” ang inilunsad kahapon sa Roma sa pamamagitan ng ANCI, Save the Children at G2 Network –Second Generation.

Ang layunin ay upang itulak ang mas maraming mayors upang ipaalam sa lalong madaling panahon sa ikalawang henerasyon – o sa mga ipinanganak sa Italya ng mga dayuhang magulang – ukol  sa pagiging citizen ng mga ito pagsapit ng ika-labinwalong taong gulang. Isang initiative na inumpisahan na sa ilang lungsod ng Italya, tulad ng lalawigan ng Milan ilang mga linggo na ang nakaraan.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga kabataang ay maaaring maging Italyano lamang kung sila ay ipinanganak sa Italya, at bukod sa pagkakatala sa Registry office (o Anagrafe), ay legal at tuloy tuloy na residente sa Italya hanggang sa pagsapit ng labingwalong taong gulang. Dapat na magsumite ng request sa Munisipalidad na sumasakop sa tirahan sa loob lamang ng labindalawang buwan o hanggang sa pagsapit ng edad na labinsiyam. Ngunti ang tunay na problema ay karamihan sa kanila ay walang kamalayan na may isang taon lamang upang gawin ang request ng nabanggit.

Dito nagmula ang ideya ng mga Munisipalidad na magpadala ng sulat sa mga banyagang kabataan na malapit ng sumapit sa ika-18 taong gulang , upang iparating sa kanila ang pagkakataon na samantalahin ang pagkakaton ng karapatang ipinagkakaloob sa kanila upang maging Italian citizen. Ang G2 network ay naghanda rin ng isang gabay online “18 anni …. in Comune!”, na nagpapaliwanag ng mga pamamaraan at mga benepisyo ng paggamit nito upang maging ganap na Italyano.

Ang bilang ng mga kabataan ang nagpapakita ng kahalagahan ng inisyatibang ito, lalo na kung titingnan ang hinaharap. Sa taong 2010, ayon sa ISTAT, ay humigit-kumulang ng 78,000 mga sanggol ang ipinanganak ng mga dayuhang magulang, 13.9% ng kabuuang naitalang ulat ng mga ipinanganak na residente ng Italya, may isang pagtaas ng 1, 3% kumpara  sa nakaraang taon.

G2: “Na ang bansang Italya ay bansa ng lahat ng kanyang mga anak
“Ang pagkuha ng citizenship ay kaakibat ang pagiging tunay na may-ari ng mga karapatan at mga tungkulin ng pagiging isang Italyano, ito ay isang mahalagang hakbang sa isang landas patungo sa tunay na integrasyon,” sabi ni Graziano Delrio, ang Mayor ng Reggio Emilia at Pangulo ng ANCI. “Ito – dagdag pa nito – ay partikular na para sa mga batang ipinanganak at lumaki sa Italya, tunay na aming mga kababayan ngunit hindi pa sa batas. Dahil dito, kami sa ANCI ay aming naging “kabiyak” ng may matibay na paniniwala na ang kampanyang ito ay mga positibong hakbang na inumpishan na sa aking lalawigan at ilan pang mga lungsod sa Italya.”

Ayon kay Flavio Zanonato, Mayor ng Padua at Vicepresident ng ANCI na inatasan para sa migrasyon, “Kami ay may obligasyon upang matiyak na ang ikalawa at ikatlong henerasyon ay makapag-ambag sa paglago at pag-unlad ng ganap, sa kanilang maitututrin ng inang-bayan. Ang Human resources – sa pagtatapos pa ni Zanonato – ay sa katunayan ang pinakamalaking yamang mapagkukunan na anumang bansa”.

Si Raffaela Milano, Program Director Italy- Europe ng Save the Children ay sinasabing mahalaga ang isang “coordinated programs – sa regulasyon, edukasyon at lipunan – upang permanenteng samahan ang proseso integrasyon simula sa mga lokal na komunidad. Ng may pag-asang sa lalong madaling panahon ay magkakaroon ng isang reporma ng pagkamamamayan na magpaparamdam sa lahat ng mga kabataang ipinanganak at lumaki sa Italya na sila ay tunay na mamamayan ng ating bansa, nagmamay-ari ng wika e at bahagi ng kanilang mga naisin at mga pinapangarap ng kanilang mga ka-edad. “

“Ang G2 Network – Second Generation – ayon kay Mohamed Abdalla Tailmoun, ang spokesman ng G2 ay nagtataguyod at sumusuporta sa mga ito para sa mga anak ng mga migrante. Mahalaga na ang ikalawang henerasyon na ipinanganak sa Italya na maramdaman ang kanilang karapatan ng mga pagpili alinsunod sa Artikulo 4 L.91 ng 1992. Ang artikulong ito ay batay sa mga prinsipyo ng jus soli, ang mga pangunahing prinsipyo na pinaniniwalaan naming gabay ng reporma ng Batas 91 ng 1992. Lubos naming pinaniniwalaan na ito na ang panahon upang ang Italya ay maging bansa ng lahat ng mga kabataan na walang pinipili. “

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Humanitarian permit to stay, sa Questura ang renewal!

PHILIPPINE AMBASSADOR H.E. VIRGILIO A. REYES, JR ARRIVES IN ROME AND UNDERTAKES INTRODUCTORY AND CONSULTATIVE MEETINGS