in

“Pahahabain ang validity ng mga permit to stay”

Papalapit na ang pinakahihintay na ‘rebolusyon’ na magbabago ng mga pamamaraan, tulad ng procedures on line upang paigsiin ang panahon ng proseso. Ang mga permit to stay na mayroong mas mahabang validity ay magpapagaan ng epekto ng bagong buwis.

altRoma, 27 Pebrero 2012 – Pahabain ang validity ng permit to stay, gayun din ang mga bagong pamamaraan upang lutasin ang mahabang panahon ng proseso sa releasing at renewal ng mga ito.

Ito ang mga pangunahing lahok para ng isang reporma na inihayag ng pamahalaan na maaaring lumabas sa mga susunod na linggo. Ang intensyon ng executive na ipasok ang mga bagong pamamaraan na ito sa pamamagitan ng isang bill ay kasalukuyang nasa Parlyamento.

Ayon sa mga unang indikasyon, ay madodoble diumano ang validity ng mga permit to stay na magsisimula sa renewal ng mga ito. Sa ganitong paraan ay magiging magaan ang epekto ng bagong buwis sa releasing at renewal (mula 80 hanggang 200 euro) na pinatutupad magmula noong nakaraang Enero 30.

Sinusubukan din diumano ang isang computer program na magbibigay-daan sa pag-aaplay online  upang makakuha ng appointment o convocazione na kinakailangan upang mapadali ang proseso. Bilang karagdagan, ay  magkakaroon din ng mahalagang papel ang mga boluntaryong organisasyon na aktibo sa larangan ng imigrasyon.

Ang Interior Minister na si Anna Maria Cancellieri ay nagpahayag ng isang tunay na “rebolusyon”, “isang mahusay na sistema bilang sagot sa kasalukuyang hirap mula sa pag-aaplay ng renewal hanggang sa releasing ng mga dokumento”. Ang Ministro sa Integrasyon na si Andrea Riccardi ay ipinaliwanag naman na ang gobyerno ay nagnanais na alisin ang “hindi patas na mga patakaran, ang hindi maipaliwanag na pagkaantala at ang kabagalan ng bureaucracy.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ruffa Guttierrez, officially single na!

FILIPINO COMMUNITY IN MILAN MARKS 20 YEARS ANNIVERSARY