Andrea Orlando: "Bakas ng isang panahong lumipas"
Roma, Hulyo 20, 2012 – Ang tanggalin ang krimen ng iligal na imigrasyon ay isang aksyon "ng sibilisasyon at demokrasya" at ang PD ay inaasahang makakamit ito.
Ito ang mga pangungusap ng responsabile ng Democratic Party, Andrew Orlando, sa isang press conference sa Kamara upang ipakilala ang 'Pambansang Araw ng Katarungan', na gaganapin sa Abano Terme simula Hulyo 20 hanggang 30 taong kasalukyan.
Ang krimen ng iligal na imigrasyon, ayon kay Orlando "ay halos itaob ng European Court, ngunit ito ay nananatiling lumulutang sa batas ng Italya. Ito ay nananatiling isang bakas ng nakalipas na panahon, ng Pdl-Lega, na sa kabutihang palad ay tapos na, ngunit nananatiling isang mahalagang sagisag”
"Ang pagtatanggal nito ay isang aksyon ng sibilisasyon," ayon kay Marco Pacciotti, pinuno ng Immigration forum PD. "Kailangang isipin na ang sinumang nasa bansang Italya mula 10 hanggang 15 taon, ngunit nasa sitwasyong ito ng krisis ay nawalan ng trabaho at pagkatapos ng 6 na buwan ay nagiging ilegal," paalala pa nito.
Ang Democratic Party ay magsusumite ng isang susog ukol sa decriminalization at alternatibong hakbang para sa pagsusuri ng Hukom ng Kamara, upang idagdag ang krimeng nagmula sa Bossi-Fini law sa listahan ng mga kakanselahin.