in

“Walang extension ang Regularization” – Riccardi

Ministro: "Isang pagkakataon na hindi maaaring bigyan ng extension"

Roma, Oktubre 2, 2012 – Walang extension para sa regularization. Ito ang malinaw na pahayag ng Ministro sa Cooperation at Integration, Andrea Riccardi, sa kanyang pagsasalita sa 'Diritti' sa Rai News.

"Binigyan ang mga Italians ng pagkakataon sa loob ng isang buwan – paliwanag ng Ministro – at kami, sa aming parte, ay gumawa ng mga info campaign. Ito ay isang opportunity: kung nais natin itong pahalagahan, mayroon pang 13 araw”. Idinagdag pa ng Ministro: “Ako ay naniniwala na ito ay isang pambihirang pagkakataon para sa mga Italian employer na nagnanais lumabas sa sitwasyon ng pagiging irregular. Isang pagkakataong hindi maaaring ibigay sa mahabang panahon”.

Ang mga parameters upang mapabilang sa regularization, ayon pa kay Riccardi, “ay resulta ng isang maselang proseso buhat sa iba’t ibang partido, kung saan may iba't ibang opinyon ngunit nais suportahan ang pamahalaan”. Binanggit din ng Ministro ang “kilos ng pagkilala sa katotohanan mula sa mga employer, na mag-iiwas sa mabigat na mga parusa kung ipagpapatuloy ang irregular hiring sa mga undocumented, na syang naghahasik ng krimen at pinaglalaruan ng Mafia”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mula sa Inps, paglilinaw ukol sa kontribusyon

“Palalawakin namin ang posibilidad na mapatunayan ang pananatili sa Italya” – Morcone