"Ang karapatan ay para sa lahat at pantay-pantay ngunit ang ating pagkakaiba-iba ay isang yaman"
Roma, 22 Nobyembre 2013 – Upang labanan ang racism at hate speech, "ay dapat muling magsimula sa paaralan at magkaroon ng programa sa pagbabago sa kultura”
Ito ang pananaw ni Integration Minister Cecile Kyenge sa ginawang taping ng teleCamere na mapapanood sa Linggo sa Rai3.
“Ang pagbabago sa kultura ay dapat magsimula sa mga paaralan”, ang mga kabataan ay magiging tagapamahala ng bansa sa hinaharap”, paliwanag ng Ministro at ipinaalala na ang “karapatan ay para sa lahat at pantay-pantay at ang ating pagkakaiba-iba ay isang yaman”. Maaari tayong gumawa ng isang totoong politika para sa mahabang panahon at magbibigay ng magandang kinabukasan”.